Gabi ng mga Wagi sa PMPC Star Awards for Movies

NAGING MAGARBO ANG pagdiriwang at pagbibigay pagkilala sa mga waging-wagi sa likod at harap ng tabing, mapa commercial fi lm man o indies eh, humakot ng natatanging tropeo sa ika 27 Star Awards for Movies sa pangunguna ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nitong June 21 sa Newport Performing Arts Theater of the Resorts World Hotel Manila sa Pasay City. Palung-palo ang family oriented comedy na Ang Tanging Ina Mo, Last na ‘To na nag-uwi ng anim na tropeo – Movie of the Year, Best Actress (Ai Ai delas Alas) Best Director (Wenn Deramas), Best Supporting Actress (Eugene Domingo), Best Child Performer (Xyriel Manabat) at Best Film Editor (Marya Ignacio) Sa independent cine naman eh, pito ang nasungkit ng pelikulang Sigwa – Digital Movie of the Year, Best Supporting Actor

(Tirso Cruz III), Best Director (Joel Lamangan), Best Editing, Best Production design, Best Cinematography at Best Sound. Starstudded ang naturang glittering event dahil sa pagdalo ng mga makikinang na bituin sa industriya gaya nina Gary Valenciano, Vina Morales, Erik Santos, Maja Salvador, Enchong Dee, Erich

Gonzales, Pauleen Luna, Matteo Guidicelli at iba pa. Mahuhusay rin ang mga naging main host ng programa na sina Tito Boy Abunda, Toni Gonzaga at Ai Ai delas Alas. Mula sa amin dito sa Pinoy Parazzi, congratulations sa lahat ng nagwagi gayundin sa mga umuwing luhaan he-he! Pitikan natin ang ilan sa mga wagi sa tinaguriang gabi ng mga wagi. Panalo!

 

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Gabi ng mga Wagi sa PMPC Star Awards for Movies

Leave a Reply

Your email address will not be published.