Gabby Eigenmann, kontra sa pag-aartista ni Andi Eigenmann?

Gabby-EigenmannSI GABBY Eigenmann lang daw noon ang kumukontra sa pagpasok sa showbiz ng half-sister na si Andi Eigenmann. Mas gusto raw sana ni Gabby na mag-concentrate sa pag-aaral si Andi, kaysa pumalaot sa mundo ng pag-arte. ‘Yun nga lang daw at aprubado naman ng lahat kaya wala na siyang nagawa.

Tsika nga nito, “Si Andi, when she was starting, ayoko siyang mag-artista talaga, eh. Ayoko talaga. Actually, ako lang ang kumokontra, lahat okay lang.

“Pero eventually, ‘di ba? She gave birth at a young age, single mom? So, iyon ang winorry ko at nangyari! Pero sabi ko nga, ‘Nangyari na, what do we do?’ Siyempre, we have to move on. ‘Andiyan na, eh, and she’s successful, she’s happy.

“Magaling umarte, masaya naman dahil hindi naging negative ‘yung pinatunguhan. Hindi ka naman magiging positive kung wala kang negative, eh.”

Proud brother daw si Gabby kay Andi dahil naging matatag ito at hindi naitumba ng mga pagsubok na dumating sa buhay nito, at naging instrumento ito para mas maging mahusay pa itong aktres.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.