Gabby Eigenmann, ayaw pang pag-artistahin ang mga anak

Gabby-EigenmannKAYAMANAN DAW para sa isa sa mahusay na aktor na si Gabby Eigenmann ang mapa-graduate ang kanyang mga anak. Ito raw ang kayamanang hindi basta-basta mananakaw ng kahit sino man, ang magkaroon ng magandang edukasyon.

Kaya naman sobrang saya nito at proud nang grumadweyt ang kanyang anak at mas nagiging inspired siya na magtrabaho nang magtrabaho at hindi iniinda ang pagod at puyat sa mga taping at shooting para sa kanyang mga anak.

Ang magandang edukasyon at eskuwelahan daw ang gusto nitong ibigay sa kanyang mga anak, kaya naman daw kayod-marino siya at walang tigil sa pagtatrabaho para na rin sa future ng kanyang pamilya.

Sa ngayon daw, katatapos lang ng kanilang soap na Paraiso Ko’y Ikaw at may nagsabi na sa kanya na may next show na siya, pero ayaw niya munang ibigay ang buong detalye hangga’t hindi pa gumigiling ang camera nito. Pero bukod sa new soap kasama rin ito sa pelikulang Asintado, mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Hindi nga raw nito pipigilan ang kanyang mga anak na pasukin din ang pag-aartista kung magkakaroon ng oportunidad lalo na’t mula sila sa angkan ng mga artista. Pero mas gusto raw nitong magtapos muna ng pag-aaral ang kanyang mga anak, bago pumalaot sa mundo ng pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.