Gabby Concepcion, umaasa sa muling pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa pelikula

HAY, NAKU! NAKAW-EKSENA na naman daw ako sa presscon ni Gabby Concepcion sa Congo Grill nu’ng nakaraang Sabado.

May concert na siya sa July 2 at 3 na gaganapin sa Music Museum at special guest pa niya sina K Brosas at Vice Ganda. Kaya ang title ng concert nito: Gabby’ng K Ganda. Bongga, ‘di ba?

Nagulat siya pagdating niya sa presscon, ako ang sumalubong sa kanya. Siyempre, pumunta lang naman ako du’n para makaharbat, ‘no! Nag-give naman ang bakla ng one thousand pesos pagkatapos ko siyang maharbatan noon sa Amerika ng 100 dollars.

Tsika pa ni Gabby, masaya raw ang celebration niya ng Father’s Day dahil bukod sa pamilya niya, kasama rin nitong naka-dinner sina KC Concepcion at ang anak niya kay Grace Ibuna na si Garrie.

Wala naman daw siyang ini-expect na bonggang regalo dahil natanggap na raw niya ang pinaka-memorable na regalo sa kanya ni KC.

Ang pelikula nilang I’ll Be There ang tinutukoy nito dahil talagang kinausap raw ni KC ang mga taga-Star Cinema na gusto nitong makasama siya sa pelikula.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Gabby sa anak niya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi nag-materialize itong pelikula nila.

Marunong pa ring magpa-cute itong si Gabby, nang tinanong ito kung may posibilidad bang magsama sila ni Sharon Cuneta sa isang pelikula.

Sabi nito: “Alam ko may gagawin siyang horror movie. Ako meron ding gagawing horror movie, hindi kaya ‘yun na ‘yun,” napapangiti nitong sagot sa mga reporter.

INIIWASAN NA NI Sheryl Cruz na sagutin ang isyung pinagbintangan siyang nang-agaw ng dyowa ng babaeng taga-Bacolod na nagsumbong sa Startalk kamakailan lang.

Wala naman daw katotohanan ‘yun kaya ayaw na niyang patulan pa dahil masasaktan lang daw ang Mommy Inday niya, na si Susan Roces ang tinutukoy niya.

Pero aminado si Sheryl na nasaktan siya sa maling bintang na ‘yun, pati ang pamilya niya. Pahayag nito sa Startalk: “Tapos na ‘yun. Moving on na, moving on. Mas mabuting lahat tayo, huwag na nating pag-usapan.

“I just tell myself, you know what Lord I forgive them for they do not know what they are doing.”

Nagsalita na rin si Sheryl tungkol sa divorce nila ng asawa niyang si Norman Bustos. Iyon ang inasikaso niya nang bumalik siya ng Amerika at isinama na rito ang anak niya dahil dito na raw mag-aaral.

Maayos daw silang nagkahiwalay ni Norman at naintindihan naman daw ito ng anak nilang si Ashley. Maayos daw niyang ipinaliwanag sa anak niya ang kalagayan nila ni Norman at nakita raw niyang nasaktan ito nang husto.

“It really broke her (Ashley) heart, She cried and I also cried. I just have to assure her as well as ‘yung father niya na it wasn’t her fault,” pahayag ni Sheryl.

“She knows that she’s my first priority in life and I’m very proud of her. I thank Norman also for that. But you know, I still care for him. He will always be my greatest love,” dagdag pang sey ni Sheryl sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.