Gabby Concepcion, umaasa pa ring matuloy ang movie nila ni Sharon Cuneta


EARLY 2011 PA nang mag-expire ang 3-year contract ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN at bilang artist na rin ng Star Magic, ang talent management arm ng Dos, headed by Mr. Johnny Manahan.

Kay Gabby rin namin nalaman na co-manage pa rin pala sa kontratang ito si Mommy Rose Flaminiano na minsan niyang nakabangga dahil sa mga usaping legal, since si Mommy Rose ang naging tulay nga ng pagbabalik-‘Pinas noon galing Amerika.

After being a Kapamilya, freelance na ang status ni Gabby, pero ang naisip niyang kuning manager this time ay si Boss Vic del Rosario ng Viva Films, and yes, co-managed pa rin si Mommy Rose.

Kumusta ang naging pagpapaalam niya sa former manager niyang si Mr. M?

“Oo nga, kasi, mara-ming nangyayari sa buhay natin na hindi natin kung minsan pinaplano. Nangyayari lang. Pero, nag-usap kami and okey naman.

“Ganoon talaga. May mga transition.”

Kumusta naman ang pelikula niya with Megastar Sharon Cu-neta sa Star Cinema, matutuloy pa ba ‘yun o hindi na?

“Hindi ko alam, eh,” aniya. “Pinag-uusapan. Pero I think, baka next year na lang.”

Pumapayat na raw ang Megastar, kaya ready na ito for their film.

“Hindi pa kami nagkikita, eh. Hamo, tatawagan ko siya para magkaalaman,” ngiti ng ama ni KC Concepcion.

Bakit Viva o si Boss Vic ang naisip niyang kuning new manager?

“Ah, nag-usap-usap silang mga managers (Boss Vic, Mommy Rose). And ako, nakikinig naman ako. I’m a team player. So, kung ano na lang ang makakabuti para sa lahat, eh sumusunod na lang ako. ‘Yun na lang para wala nang intriga!”

Ngayong nasa Viva na si Gabby as talent ni Boss Vic, hindi kaya sa Viva Films pa matuloy ang inaasam pa rin ng Sharon-Gabby fans na reunion movie nila, considering minsan ring “nag-reyna” ang Megastar sa nasabing kumpanya?

Pero mauuna muna si Gabby sa Regal Films, na original mother studio niya, via Ded Na Ded Sa ‘Yo, comedy flick niya with Ruffa Gutierrez, Pokwang, Jillian Ward, Ervic Vijandre, and Gloria Diaz.

May November 2011 playdate na ito. Ngayong September 14, showing na rin ang My Neighbor’s Wife nina Dennis Trillo, Carla Abellana, Jake Cuenca, and Lovi Poe.

 

NAKAKATUWA NAMAN AT nagkabati na sina Sharon Cuneta at ang mga nakatampuhan nitong sina Aga Muhlach at Willie Revillame.

Ito ay nangyari sa intimate birthday dinner na ibinigay ni Aga sa kanyang close friends in showbiz sa isang sosyal na resto sa Makati City last week (birthday ni Aga ay August 12).

Nag-ugat ang tampuhan nina Sharon at Willie nang magbiro umano si Willie na “baka lumubog” ang yate nito kapag sumakay si Shawie, samantalang nagdamdam naman itong Megastar kay Aga nang makarating din sa aktres na hindi gagawin ni Aga ang movie nila hangga’t “healthy” pa si Sharon.

Well, let bygones be bygones na nga lang ang “drama” ng tatlo, for the sake of their friendship at kaarawan nga ni Morning.

Samantala, nakalipad na si Aga sa isang undisclosed country para sa taping ng kanyang Pinoy Explorer, ang bagong show niya sa TV5. Balitang isa ito sa most expensive show ng Kapatid Network; which Aga deserves naman because of his stature. Bago rin ito para sa alaga ni Manay Ethel Ramos kaya fresh ang ipapakita ni Aga sa publiko sa mga susunod na buwan.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.