Gabby Concepcion, type ni Atty. Ferdinand Topacio!

MAKULAY AT pu-numpuno ng kontrobersiya ang buhay ng mabait at very generous na si Atty. Ferdinand Topacio kaya naman puwedeng-puwede itong isa-pelikula. Agree naman daw si Atty. Topacio if may interesado ngang isa-pelikula ang kanyang buhay.

Pero if ever daw na matutuloy ito, may isang request siya na kung puwede ay si Gabby Concepcion ang gumanap bilang siya at si Megastar Sharon Cuneta naman daw ang lalabas na kanyang maybahay. Paborito raw kasi ni Atty. sina Sharon at Gabby at maraming trivia ngang alam si Atty. tungkol sa loveteam nina Gabby at Sharon.

Tsika pa ni Atty. Topacio, wala raw siyang ie-edit sa kanyang film-bio, lahat daw ng nangyari sa kanyang buhay ay ipasasama niya sa movie, pati na rin ang pagkaka-link niya sa GMA 7 young star na si Bea Binene at TV 5 teen star na si Marvelous Alejo na pareho niyang tinulu-ngan.

Pero ngayon daw, hindi na raw siya mali-link at magiging kontrobersiyal dahil hindi na babae ang kanyang tinutulungan kung hindi lalaki na, at ito ay sa katauhan ng bagong singer na si Xavier Cruz na napaka-charming , mabait at may magandang boses.

Bukod nga sa pagiging in-demand at mahusay na Atty., sasabak na rin daw ito sa pagpo-produce ng concert at album at ang bago niyang ipagpo-produce ng album ay ang kanyang protegee na si Xavier.

 

MASAYA ANG young actor na si Kristoffer Martin dahil katulad ng ibang kapanabayan niya sa Tween Hearts na nagbida na sa kani-kanilang soap, nabigyan na rin ito ng break na maging leading man via Serpentina na pinagbibidahan ni Kim Komatsu.

Bukod kay Kristoffer, kasama rin si Enzo Pineda na isa rin sa magiging leading man ni Kim sa nasabing soap. Bale sa kanilang tatlo raw tatakbo ang istorya ng serye.

Very thankful nga raw si Kristoffer sa magagandang proyekto ng ibinibigya sa kanya ng kanyang home studio, kaya naman daw nangangako ito na mas pagbubutihin pa niya ang kanyang pag-arte nang sa ganu’n ay mas marami pang proyekto ang ibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Bukod sa nasabing serye, regular ding napapanood si Kristoffer sa Pahiram ng Sandali bilang kapatid ni Dingdong Dantes at sa Party Pilipinas tuwing Linggo ng tanghali.

 

EXCITED NANG makatrabaho ni Mark Herras si Kylie Padilla na first time niyang makakasama sa soap at ito ay sa afternoon soap na Unforgettable.

Kuwento nga ni Mark, ready na siyang ma-link kay Kylie, dahil halos lahat naman daw ng nakakapareha niya ay nali-link siya.

Hindi naman daw nila maiiwasan ‘yun lalo na’t sila ang magkasama sa trabaho. Lahat naman ng gagawin namin sa soap ay part ng trabaho. Matalino na naman ang mga manonood, basta maganda ang istorya ng soap at magagaling ang mga actor na gumaganap dito na talaga namang pinapanood nila.

“Open book naman kasi na in real life ay may GF na ako, si Ynna (Asistio) at may ibang tao ring nali-link kay Kylie. Kaya naman ma-link man kami, alam naman namin na part ‘yun ng trabaho at alam naman namin kung ano’ng totoo paglabas namin sa trabaho.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Gabby Concepcion, type ni Atty. Ferdinand Topacio!

  1. badidang ba si atty topacio? at tsaka masuwerte si atty kapag natikman niya ang kargada ni gabo hahaha! naku, di ba meron din siyang bagets na bagong apple of the eye? yung xavier cruz ba yun? naku, mahilig din pala sa boy bagets si atty hahaha! makatas at sariwa pa yun siguradong masarap hahahaha!

  2. hay naku trying hard din  itong atty. aning2 topacio nato… ngfefefeling artista, gustong gusto nyaung isue ng pgkakalink nyaky bea madyondi binene…. panay ang pggues nyasa radyo at pgpapainterview bout da isue, ang sakit panaman sa tenga ng boses nya laluna ung tawa nyang prang baliw…

Leave a Reply

Your email address will not be published.