Gabby Concepcion, sutil? – Ronnie Carrasco

MAHIGIT ISANG TAON nang nakakontrata si Gabby sa ABS-CBN, ang istasyong sumalo sa kanya after more than 10 years of local absence. Kung tutuusin, kelan lang naman ‘yung Dahil May Isang Ikaw made available to him. Masyado raw kasi niyang sinasala ang mga iniaalok na project sa kanya: from the story to the creative team na makakatrabaho niya.

Magpaka-choosy ba to think that Gabby’s career was already in limbo? Mabuti’t kinagat ng ABS-CBN ang kanyang mga demands, his talent fee included kahit pinagtaasan na noon ng kilay ang kanyang presyo.

Para lalong mapatunayan ang suporta ng network sa kanya, its film arm—Star Cinema—has exhausted all its efforts due a prized jewel. Hinanapan nila ang actor ng angkop na comeback movie na itinaon pang pang-Metro Manila filmfest, ang I Love You, Goodbye. Kinuha pa ang serbisyo ni Laurice Guillen bilang director, Gabby’s first time to work with the multi-awarded director. To complete the elements, isinama pa si Gabby sa mga bagets na cast kung saan ka-loveteam niya si Angelica Panganiban!

Aba, kung hindi pa naman pang-i-spoil ang ginawa ng Dos sa aktor na minsan nang nawalan ng career, hindi na namin alam kung ano’ng itatawag du’n.

WITH A RUBBERIZED photo of Manny and Jinkee Pacquiao emblazoned on a cotton-made black shirt, ito ang mga katagang nakasulat sa give-away T-shirt ng Belo: Only a Body like Belo Can Knock Out Manny.

Hindi naman exactly freebie ‘yon sa Christmas treat for the press ni Dra. Vicki Belo, as it came with an organizer as prize for the Pinoy Henyo-inspired game, kung saan mga reporters ang contestants.

Obviously, ang direct competitor ng Belo ay ang clinic ni Manny Calayan, and what better way to prove its dominance in the field of face and body treatment than hyping on the rivalry, ‘di ba naman?

In fairness though, nu’ng mainterbyu ng Startalk si Jinkee, kakaiba ang kanyang glow: there’s more radiance in her face, wari’y literal na ipinamumukha na maganda siya, legal wife siya and whosoever is out to snatch her husband from her ay walang mukhang ihaharap sa kahihiyan!

ISINABAY NA RIN ng Gutierrez family sa pag-aanunsiyo na sila ang cover ng S Magazine ang kanilang treat for the press nitong Martes. As expected, tinapatan lang ng naturang pamilya ang malaking naitulong ng entertainment media sa mga biyayang tinatamasa ng mga alaga ng Royal Era.

Puring-puri ni Tita Anabelle ang S Magazine, obviously as a slur against a rival publication, dahil sa makatotohanang nilalaman nito. Matagal bago napapayag ang pamilya na i-feature ang kanilang 100-million-peso worth mansion nila sa Makati City, kasama na rito ang kakaibang bachelor’s pad ni Richard katabi ng swimming pool.

Dahil paubos na raw ang kopya ng edition na ‘yon, tiyak na may additional printing pa. Ayon kasi kay Tita A., hindi raw bababa sa 30 copies ang nabibili in sa single purchase… gano’n?!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Gabby Concepcion, sutil? – Ronnie Carrasco

  1. correction dito sa writer na to…di first time ni gabo na makatrabaho c laurice guillen. they already worked together in their movie with sharon entitled ‘una kang naging akin’ kasama pa sa cast si dawn zulueta…fyi..

Leave a Reply

Your email address will not be published.