Gabby Concepcion, hindi priority si Sharon Cuneta

 alt=

KAHIT anong pilit pala ni Sharon Cuneta na matuloy at masimulan na ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion, malabo pala talagang mangyari sa ngayon.

Gabby Concepcion

Sinasabi pa nga ni Sharon na pinilit niya mismong makagawa ulit sila ng pelikula ng dating asawa at ka-love team para na rin sa kanilang fans na pinagkakautangan nila nang malaki kaya sila nariyan sa kinatatayuan nila ngayon.

Pero sa artikulo ni Rose Garcia sa PEP.ph, sinabi ni Gabby na wala siyang time para gawin iyon. Hindi naman sa tumatanggi umano si Gabby, pero tali ang schedule niya sa dami ng commitments sa GMA Network, kung saan siya may existing 2-year contract.

Sa report, sinabi na Gabby na open siya kahit na anong pelikula ang gawin nila ni Sharon. ‘Yun nga lang, depende pa rin kung pasok sa kanyang schedule.

Abala ang aktor sa kanyang teleseryeng “Ika-6 Na Utos”, idagdag pa ang patapos na ring “Tsuperhero” at ang “Uge”.

“So, maya’t maya, sinasaksak nila ako sa mga events, sa mga promo.” Sabi pa ni Gabby sa panayam ni Rose.

Ayon pa kay Gabby, priority niya ang mga show sa GMA, at uunahin niya ang mga iyon.

Kaya nga kahit anong gawin ni Sharon ngayon, malabo pang makagawa sila ng pelikula ni Gabby. Kung makapaghihintay siya, malamang pagkatapos na ng kontrata ni Gabby sa GMA, o kapag lumuwag na ang schedule nito.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.