Gabby Concepcion, finally free to do films outside of GMA film contract

HINDI ISYU SA GMA Films ang pagkakaroon ng cameo role ni Gabby Concepcion sa Star Cinema movie nina Ai-Ai delas Alas at Sharon Cuneta kahit nakakontrata sa kanila ang actor at dapat, sa kanila ang comeback movie nito.

Wala nang obligasyon sa GMA Films si Gabby dahil pinawalang-bisa na ang kontrata nito at isinoli rin nito ang downpayment na ibinigay sa kanya ni Annette Gozon-Abrogar. Dapat kasama si Gabby sa cast ng I.T.A.L.Y., pero nagbago ang isip nito nang bumalik ng ‘Pinas at dahil may pinirmahang kontrata sa GMA Films, hindi siya makatanggap ng movie offer.

Pero, maayos silang nag-usap ni Annette at ngayon, libre na siyang tumanggap ng pelikula sa kahit saang movie company. Ang balita namin, bukod sa Star Cinema, interesado rin sa kanya ang Regal Entertainment.

KUNG KAILAN NANAHIMIK ang tsismis kina Glaiza de Castro at Patrick Garcia, saka naman sila pinagtambal ng GMA 7 sa bagong episode ng Dear Friend. So, inaasahan naming iinit muli ang tsismis sa kanilang dalawa. Sa Baguio kukunan ang episode na ‘di pa namin alam ang title at kung saan, makakasama nila si Polo Ravales.

Sa April 12, ang pilot ng episode nina Glaiza, Patrick at Polo sa Dear Friend at magpu-promote sila sa S.O.P. kung saan mainstay si Jennylyn Mercado. Exciting ito, magkita-kita na kaya ang tatlo o may magtago sa kanila?

Samantala, nagulat si Polo kung paano nakuha ng Parazzi ang picture nila ni Bianca Paz gayung private raw ‘yun. Itinanggi rin nitong break na sila ng dalaga, pero malapit sa kanya ang source ng balita, na nang iparating namin ang pagdi-deny ng actor, natawa na lang.

KAILAN KAYA IPAAALAM ng isang actress na may asawa na siya? Nagpakasal sila ng kanyang non-showbiz boyfriend November of last year pa, pero civil wedding ‘yun at pamilya lang nila ng napangasawa ang present.

Kahit mga kaibigan sa showbiz ng actress, konti lang siguro ang nakaaalam na hindi na “single,” kundi “married” na ang status ng actress. Magugulat din tiyak ang fans nito, lalo na ang male fans niyang pinapantasya siya. Malulungkot din ang fans ng love team nila ng guwapong actor na umaasang mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan.

Sabi, kino-consider si Vic Sotto na mag-host sa ibabalik na Who Wants to Be a Millionaire, pero wala ang pangalan niya sa press release ng TV5 na pinagpipiliang mag-host ng game show. Ang nabasa namin, pangalan nina Richard Gomez, Ryan Agoncillo, Jomari Yllana at Gabby Concepcion.

Kaya lang, si Richard may kontrata sa GMA-7 at si Gabby may exclusive contract din sa ABS-CBN. Si Ryan, host na ng Talentadong Pinoy ng TV5 rin at puwede siyang mag-host, pero may comedy show siyang sisimulan sa Ch. 2 at gagawa rin ng pelikula sa Regal Entertainment. Puwede rin si Jomari dahil tapos na siyang mag-taping sa Zorro, kaya lang, busy ito sa pag-aasikaso sa back-to-back concert nina David Cook at David Archuleta at sa iba pang concert na ipo-produced ng Fearless Promotions.

Mas maganda kung hintayin na lang natin kung sino ang mapipiling mag-host ng WWTBAM na unang napanood sa IBC 13 noong 2000, dinala rito ng Viva Entertainment at host si Christopher de Leon.

Mere or Less
by Nitz Miralles

loading...

5 thoughts on “Gabby Concepcion, finally free to do films outside of GMA film contract

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #49

  2. hindi na kailangan ng gma-films si gabby concepcion kasi wala silang pang afford dito at for sure hindi na mag kiclick yung movie nya sakasakali huh

  3. lagyan nyo naman ng border bawat different sotries

    kasi minsan pinipili ko lang yung gusto kong basahin ok

    for example
    _______________________________________________

    ok

  4. pwede ba lagyan ng parang markings to separate different stories sometimes ang hirap mag basa yung pala iba na yung topic…

Leave a Reply

Your email address will not be published.