Gabby Concepcion, boto kay Piolo Pascual para kay KC! – Morly Alinio

MALUNGKOT THIS CHRISTMAS si Gabby Concepcion at ang dahilan ay ngayon lang sila magsi-celebrate ng Pasko na wala si Daddy Rolly.

“Actually now lang kami magki-christmas nang wala si Papa, kaya sasamahan ko muna si Mama sa Amerika para kahit paano, e, maging masaya naman siya dahil first time naming magse-celebrate ng Christmas nang wala siya,” pahayag ni Gabby na nagsabi pa na second week of January na ang balik niya sa Pilipinas.
Samantala tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Gabby at KC Concepcion under Star Cinema, kung saan ay plantsado na ang script ng nasabing movie.

“Actually, tuwang-tuwa ako nang malaman ko na okey na ‘yung movie namin ni KC. At siyempre sino ba’ng hindi matutuwa kapag kasama mo sa movie mo ang iyong anak.”
Sa kabilang banda kahit tapos na ang Lovers in Paris, tuloy pa rin ang sweetness nina Piolo Pascual at KC na sabi nga ng marami ay mukhang totohanan na ang namamagitan sa dalawa at hindi na ito promo para sa natapos na soap opera ng dalawa.

“Kung talagang sila na, okey lang, mabait naman si Piolo at smart naman si KC at alam na niya ang kanyang ginagawa. For me wala akong tutol, okey sa akin si Piolo,” pagtatapos ni Gabby sa Pinoy Parazzi.

MARIING ITINANGGI NI Sunshine Dizon na siya ay nagpalaglag, kung saan ang sinasabing ama ng kanyang ipinagbuntis ay ang boyfriend na piloto na taga-Pampanga.

“Actually, natatawa na lang ako sa mga kung anu-anong tsismis na naglalabasan, na kahit isa du’n ay wala talagang totoo. Honestly nawala ako nu’n dahil nakaramdam ako ng pagod, kailangan ko ng break plus the fact na nagkasakit talaga ako. Pero ‘yung sinasabing nagbuntis ako at nagpalaglag? It’s unfair para sa akin dahil kapag ako ay nagbuntis, kahit walang ama, kapag ginawa ko, pangangatawanan ko. Hindi ko gagawin ‘yung sirain ko ang aking katawan at magkaroon ng malaking kasalanan sa Itaas.” Tuluy-tuloy na pagdepensa ni Sunshine na halatang napipikon na natatawa ng mga sandaling iyon.

Sinabi pa rin ni Sunshine na walang katotohanan ang balitang nakipag-usap na siya sa ilang pamunuan ng Channel 2.

“No! Hindi. Hindi ako aalis sa Siyete. Actually, magkakaroon ako ng show by January pero hindi ko sasabihin kung ano iyon.”

Sa kabuuan, sinabi ni Sunshine na hindi malaking hadlang sa kanyang career si Claudine Barretto ngayong nasa bakuran na ito ng Channel 7.

“No, hindi naman… she is welcome sa amin,” pagwawakas ng aktres.

KUMPIRMADONG BINIGYAN NA ng ultimatum ang Daisy Siete ni Joy Cancio na kapag hindi pa tumaas ang patuloy na bumababang rating ng “My Shuper Sweet Lover” na pinagbibidahan ni Jopay ay tsugi na ito sa ere. Sa totoo lang, hindi magawang mapaangat ni Jopay ang rating ng Daisy Siete na tulad noong mga panahong si Rochelle Pangilinan pa ang nagbibida.

Hindi raw kasi tanggap ng publiko ang love team nina Joshua at Jopay na lover in real life.

“Actually totoong mababa talaga ang mga sumunod na rating ng Daisy Siete, kaya tatapusin agad itong season na si Jopay ang bida, “ pagwawakas ng aming kausap.

Sa kabilang banda, puspusan ang paggawa ng bagong script ng Daisy Siete ni Joy Cancio, dahil may ultimatum na itong matsu-tsugi sa ere this month.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

7 thoughts on “Gabby Concepcion, boto kay Piolo Pascual para kay KC! – Morly Alinio

  1. sorry, to bursh piolo and kc fans but, there not a cute couple at all
    kc needs someone her own age
    and plus piolo has Son :S umm u know
    i see kc with richard the far most <3 im inlove with there tandem

  2. yeah gusto nila si Piolo for Kc, pero ang tanong mga fans ba ni Piolo gusto si KC for Him????

    Im looking for Personality…. Piolo deserves somebody na will truly love him and will take care of him, and base of KC’s personality its not her style…

    • another question gusto rin ba ng mga fans ni KC si PIOLO pra sa kanya???? sino pa ba ang pwede pra kay KC?si Sam(may ANNE),si Derek(may ANGELICA),si JLC (di pwede naging bf ni Ciara),si Jake C.(may Melissa),Dingdong(may Marian),Richard(may Jewel),Zanjoe(may Mariel),Rico B.(past na d nga nagpakilala kay Mega),
      si Piolo lang wla….db sabi Kc mas okay kung ang maging bf nya nsa showbiz din pra ma intindihan ang work nya……sna kung magdecide si KC about Piolo sana she will do it on her own wla makikialam n mga fans….dpat gamit nya utak and heart nya wag sa mga sinasabi ng mga fans…

    • Sorry to say…the man is the one to love the woman and will take care of the woman. Kabaliktaran naman yang sinasabi mo eh. The woman should submit (unto the Lord’s will) to the man once they are married. PJ&KC are doing it well.

  3. of course sino ba naman hndi boto kay piolo pra kay kc…mabait,sincere,gwapo,….yang alfie lang naman ang bwisit…bkit hndi yan sya mag move on,si juday nga nakamove on na….ok na sila pj n juday plus ryan…sana nga sila na kc n piolo…lahat kming mga fans will be very happy….

    • epal kasi yang Alfie na yan, gusto kasi makaisa kay Piolo kaso rejected kaya napahiya ang lolong hukluban at pinangako sa sarili na sisirain si Piolo. maski nga si Juday di ba, handa nyang sirain at ipagkalat ang baho (alaga na nya yon) ng malaman nyang hindi na sya ang gusto ni Juday na mag manage sa kanya, kaso tiklop si Juday pero hindi si Piolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.