Gabby ang KC, hugged each other at Golden Screen Awards

NAGING EMOSYONAL ANG mahigpit na yakapan ng mag-amang Gabby at KC Concepcion nang magtagpo ang kanilang landas sa backstage ng 6th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (Enpress), na ginanap noong April 30 sa Metro Bar sa West Ave., QC.

Halos hindi maubusan ng kuwentuhan ang mag-ama na bihira ngang magkasama ngayon dahil sa pagiging busy ng kani-kaniyang schedule. Ano ba naman kasi ang pinag-usapan ng mag-ama? Ang chika, ang pagdalaw ni Gabby sa dressing room ni Sharon Cuneta, na siyang hudyat ng pagbabati ng dating mag-asaw. At super-happy nga raw ang megadaughter sa pagkakaayos ng mga mahal na magulang.

At habang nangyayari iyon, halos hindi makapaniwala si KC nang tawagin ang kanyang pangalan na siyang nagwagi sa kategoryang Breakthrough Performance by an Actress para sa pelikulang For The First Time. Mangiyak-ngiyak ngang tinanggap ni KC ang naturang award.

Well, sa mga litratong ito na nahuli ng mga lente ng ating kamerang-gala, maitatago ba ang sobrang pagka-miss sa isa’t isa ng mag-amang Gabby at KC? Pareho tayo ng hula, mga kaparazzi… hindi! Pa’no naman kasi, daig pa nila ang ‘di nagkita ng fourty-eight years, ‘di ba? ‘Yun na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.