Gab Valenciano at Isabel Oli, 2 months nang mag-on!

NAKU! WALA NGA pala kayong mapapanood na Startalk bukas dahil pre-empted kami ng World Press Tour ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Naloka nga ako at wala akong mababati sa araw na ‘yun. Tumama kasi sa timeslot namin ang coverage ng GMA-7 na gagawin sa Quirino Grandstand.

Ito bale ang hudyat nang pagsisimula ng promo tour ng laban ng dalawa na gagawin sa Las Vegas sa darating na November.

Tutuloy na rin doon ang Manny, Many Prizes na inaasahan ng lahat na magi-guest doon si Marquez. Pero ang pagkakaalam ko hindi, dahil siyempre magkalaban sila, ‘di ba? Hindi naman sila magpapaka-friendly dahil maglalaban nga sila sa November.

Pagkatapos daw nito ay tutuloy rin ang promo tour nila sa Amerika at sa susunod ay sa Mexico naman sa lugar ni Marquez.

Ang kuwento pa sa akin, sasama rin ang Manny, Many Prizes sa Amerika sa araw ng laban ni Pacman.

Magkakaroon din daw ng MMP sa Los Angeles, California pero pagkatapos pa raw ng laban nito.

Ganu’n na yata ang drama ngayon ng MMP na iikutin nila ang buong bansa at pati na rin sa ibang bahagi ng mundo gaya ng Amerika at Middle East.

Pagkatapos nga nitong sa Quirino Grandstand ay sa lugar naman ni Ninong Manny sa Saranggani sa susunod na Sabado. Kaya mas maraming maaambunan ng grasya mula kay Ninong Manny.

Abangan n’yo ‘yan sa lugar n’yo!

 

NAKU! WALA AKONG kamalay-malay, malapit na palang ma-nganak ang isa ko pang alagang si Carlene Aguilar.

Due na raw nito mga first week of October at nu’ng kamakalawa lang ay binigyan na ito ng baby shower ng mga close friends niyang sina Sherilyn Reyes at Angelu de Leon.

Nakakaaliw nga silang magkakaibigan dahil nagsipagbuntisan silang lahat.

Kapapanganak lang ni Sherilyn, at ang susunod naman si Carlene, at pagkatapos niya, si Angelu.

Sabi nga nila, every three months may baby shower sila at sila sila rin daw ang ninang sa kanilang mga anak.

Very supportive naman ang asawa ni Carlene na si Yo Ocampo at nilinaw naman nilang hindi magbabago ang pagtingin nila kay Calix na anak naman ni Carlene kay Dennis.

Very close din pala itong si Calix kay Yo at i-naasahan na nilang may selos ito kahit konti, pero lagi raw nilang pinapaalala kay Calix na magiging kuya na ito. Kaya dapat na mahalin na rin niya ang kanyang baby brother na papangalanan nilang si Marcus Iñigo.

Nakunan ng Startalk ang baby shower na ‘yun at very intimate lang talaga, dahil sila-silang mga mag-bestfriends lang ang dumalo.

Nandu’n din ang magkasintahang Isabel Oli at Gab Valenciano na aminadong sila na nga raw.

Enjoy na enjoy nga ang dalawa sa pagsali sa mga games na ginawa nila sa baby shower na ‘yun.

Si Gab lang ang nagsalita at nagkumpirmang mga dalawang buwan na silang mag-on.

Ayaw namang magsalita pa muna ni Isabel dahil medyo apektado pa ito sa kalagayan ng kanyang ama na nasa hospital pa rin ngayon.

Pero in-assure naman ni Gab na lagi siyang nakasuporta kay Isabel sa pinagdadaanan nito ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

4 thoughts on “Gab Valenciano at Isabel Oli, 2 months nang mag-on!

  1. Di ba na blind item itong si Isabel Oli noon na binansagan sya ng BILMOKO noong sila pa ni Paolo Contis kasi bili mo ako daw ang attitude nito, totoo ba ito?

  2. GOLD DIGGER & SOCIAL CLIMBER DAW KC YANG C ISABEL OLI KYA CGURO PINATULAN NA RIN C GAB VALENCIANO NA MUKHANG ABNONG UNGGO.CNO BA NMAN ANG MAGKAKAGUSTO K GAB NA BUKOD SA MASAMA ANG PAGMUMUKHA EH MASAMA PA UGALI. CNONG BABAE NA MATINO ANG MASISIKMURANG MAGPA-KANTOT K GAB EH DI PARANG KINAKANTOT LNG CYA NG UNGGO NA ABNO BWAHAHAHAHAHAHAH

  3. ba’t naman si gab velenciano pa eh maangas yun..ganun yata talaga mga type ni isabel..pero si paolo contis nakakatuwa yung personality niya noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.