Love Compatibility: Gab at Rachelle Ann: Susubukan ng Panahon

Screen name:  Rachelle Ann Go

Real name: Rachelle Ann Villalobos Go

Birthday: August 31, 1986

Zodiac: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Lucky Day: Wednesday

Screen name: Gab Valenciano

Real name: Gabriel  Valenciano

Birthday: June 11, 1988

Zodiac: Gemini

Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Lucky Day: Wednesday

MATAGAL-TAGAL NA RIN nang umamin sina Gab Valenciano at Rachelle Ann Go sa tunay na estado ng kanilang relasyon, at obvious na obvious naman na totoong nagmamahalan ang dalawang love birds, ‘noh! Nagsimula ang kanilang mabuting pagtitinginan bilang magkaibigan at katulad ng mga napapanood nating love story, umusbong mula rito ang isang tunay na pag-ibig. Pero kahit na suwak na suwak ang Filipino-Chinese singer at anak ni Mr. Pure Energy, parang may mga nilalang na kumukontra sa kanilang pagsasama! Kesyo sa hindi raw sila bagay at kung anu-ano pang maraming kaeklavuhan d’yan pero mukhang hindi naman papayag ang binata na maipagsawalang-bahala na lang ang kanyang pagtingin sa dalaga! ‘Ika nga ng pinasikat na kanta ng Eagles, love will keep us alive! Lalo na ngayon dahil mukhang balak nang ituloy ng tinaguriang Mr. Pure Power ang kanyang pag-alis patungong Estados Unidos para mag-aral ng dalawang taon!

Tsk, tsk, tsk! Mukhang sa simula pa lang, masusubukan na ang tatag at tibay ng samahan ng dalawa, ah. Eh, paano kaya kung magkatuluyan at ikasal sila? Tatagal kaya ang kanilang relasyon? Hanggang saan kaya ang itatagal nila? Aba’y tingnan natin kung ano ang masasabi ng stars sa kanila.

Isang Virgo si Shin (ang palayaw ni Rachelle) dahil ipinanganak siya noong Agosto 31 samantalang isang Gemini si Gab  na Hunyo 11 ang kaarawan. Ayon sa kanilang love compatibility, sinasabi na pareho silang matalino, rasyonal, at praktikal. Kapwa sila mahilig makipag-usap at intresante ang mga kuwento nila sa bawat isa.

Bukod sa pagkakatulad nila sa mga positibong katangian, pareho rin ang kanilang negatibong katangian. Kapwa sila nahihirapan sabihin ang tunay nilang nararamdaman (kaya pala tumagal nang ganu’n bago sila nagkaaminan, hmmm….). Kaya naman nagiging dahilan ito upang magkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan na minsan, nauuwi sa away. At isa pa, likas na matikas at guwapo ang mga lalaking Gemini kaya naman lalabas ang pagiging selosa ng mga Virgo (tsk, magiging long distance pa naman ang relasyon nila).

Ngunit gayunpaman ang takbo ng kanilang relasyon, ang pinakamabuting parte ng buhay-mag-asawa nila, pareho nilang naiintindihan ang bawat isa. Malamang sa alamang, sabay rin nilang nararamdaman ang sentimiyento ng kanilang kapareha kaya madali lang sa kanila ang makipag-usap at makipag-ayos kung saka-sakaling may problema sila.

by Jerome Caraballa

loading...

2 thoughts on “Love Compatibility: Gab at Rachelle Ann: Susubukan ng Panahon

  1. I completely agree w/ you sweetie…hindi naman yan papansinin kung hindi sya anak ni Gary V…kamukha nya talaga c bugoy…

  2. galing ng pagkaka edit sa ilong ni rachel ann.
    yun guy, kung di lang anak ni gary valenciano yan, i dont think may dating yan. ni wala ngang itsura. mas napopogian pa ako dun sa brother nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.