GAANO KAYA KATOTOONG namumroblema na ang isang kilalang aktor dahil naa-absorb din niya ang bigat ng kinakaharap na financial problem ng pamilya ng kanyang girlfriend na isang aktres naman?

GAANO KAYA KATOTOONG namumroblema na ang isang kilalang aktor dahil naa-absorb din niya ang bigat ng kinakaharap na financial problem ng pamilya ng kanyang girlfriend na isang aktres naman? Ito nga raw ang dahilan kung bakit nangangayayat ang aktor na ito. Dahil nai-stress at naaaburido na rin umano nang husto.

Balita kasing lubog sa utang ang pamilya ng girlfriend ng aktor. Dating may kaya, pero bumagsak ang kabuhayan at hindi na muling nakabangon pa.

Kaya nagdesisyon nga ang girlfriend ng aktor na pumasok na rin sa pag-aartista para kumita at makatulong sa krisis na pinagdadaanan ng family nito. Ang kaso, kahit nga naging girlfriend na ng aktor na mas big star kesa sa kanya, naging mailap pa rin ang suwerte for her na sumikat nang husto.

May mga trabaho mang nakukuha ang aktres, pasulpot-sulpot lang at hindi pa kalakihan ang TF. Kaya kapag nagigipit na nang husto ang pamilya ng aktres, hindi raw maiwasan ng ina nito na humingi ng financial help sa aktor na boyfriend ng aktres.

Kaya pala botong-boto sa aktor ang ina ng aktres, kasi’y siya ang takbuhan nito sa oras ng sobrang kagipitan. Eh, wala ring gaanong project lately ang aktor. Nakaapekto yata kasi sa career nito ang pag-amin sa relasyon nila ng aktres. Tila tinabangan sa aktor ang kanyang mga tagasubaybay na ang inaasahan ay sila ng dating ka-loveteam niya ang magkakatuluyan.

Ano naman ang financial help na maibibigay niya lagi sa pamilya ng aktres kung gano’ng hindi rin siya malakas kumita ngayon? Eh may sarili rin nga siyang pamil-yang sinusuportahan.

‘Yun na!

(Ruben Marasigan)

loading...

One thought on “GAANO KAYA KATOTOONG namumroblema na ang isang kilalang aktor dahil naa-absorb din niya ang bigat ng kinakaharap na financial problem ng pamilya ng kanyang girlfriend na isang aktres naman?

Leave a Reply

Your email address will not be published.