G Toengi, mukha nang matrona?!

HINDI NA NAPIGILAN pa ni Raymond Gutierrez ang magbigay ng kanyang disgusto sa nangyaring pagbasura sa kasong isinampa ng kakambal laban sa PEP.

Matitindi ang mga salitang binitawan ni Raymond sa huwes na nagdesisyong ipawalang-saysay ang reklamo ng kapatid at nakahanda umano siyang harapin naman ang anumang kaukulang hakbang para lang maipakita niyang ipinakikipaglaban nila ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.

Minsang pang ipinapakita ng Gutierrez family ang kanilang pagkakaisa sa usaping ito. Ang latest na nakarating sa amin habang sinusulat namin ito ay ang muling pagpapakawala ng mga kakaibang opinyon ni Tita Annabelle Rama at ang diumano’y planong pag-apela ni Richard na siyang direktang naghahabla.

May tsika pa ang aming source na may mga kinakausap na diumanong ‘influential persons’ ang pamilya Gutierrez if only to ensure na sa second round, may maganda nang haharapin ang kaso.

Just asking kung totoo ngang pati ang ultimong aksidenteng pagkakabati noon nina Tita Annabelle at PEP Executive Editor na si Joan Maglipon sa libing ni Tito Douglas Quijano ay muling mabubuhay as a ‘monster item?’

KUNG ANG SAMBAYANAN ay nagdarasal para sa isang milagro para kay dating Pangulo Cory Aquino, mukhang ito rin ang hangad ng marami para kay Baron Geisler.

Muli na namang nasusuong sa kontrobersiya ang pasaway na alaga ni Direk Maryo J. delos Reyes nang mabalitang ang mismong kasama nito sa isang movie (Aljur Abrenica) na shot in Bohol ang diumano’y huling nakaengkuwentro nito nang lasing?

Isang kaibigan namin nina Direk ang nagsabing may bahid ng katotohanan ang isyu subalit wala naman daw talagang nangyaring sakitan. “Nagka-asaran ba o ‘yung simpleng nagkainitan lang. Pero naawat din at nagpaawat din naman si Baron na in fairness, hindi lasing. Mukha lang lasing, kasi ‘yun ang laging gustong ikabit sa kanya ‘pag may ganu’ng gulo,” ang paliwanag ng kausap namin.

Parang nahilo yata ako rito sa kuwentong ito? Hindi rin naman po ako lasing o nakainom kaya? Do I need a miracle here?

ANO KAYA ANG plano ni G. Tongi? Aba’y nang mapanood namin ang kanyang supposedly erotic and sexy dance production number sa ASAP, isang halos matronic beauty ang bumulaga sa amin.

Hindi na siya sexy. Lalong hindi na siya graceful gumalaw. Parang ang bigat-bigat nang dalhin ang kanyang mga braso at hita na bumilog talaga.

Sa dami ng mga bata at mga seksing umiindayog sa ASAP every Sunday, nagmukha tuloy nagmumurang kamatis ang isang G. Tongi na in fairness naman noon, talagang isa sa ‘pinaka’ ng showbiz!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

9 thoughts on “G Toengi, mukha nang matrona?!

  1. i didnt like what g was wearing pero definitely hindi siya mukhang matrona. magaling pa rin siyang sumayaw noh.

  2. totoo.. i agree…ako din my pinost dun pag negative write ups cla tpos nagpost ka ng opinion mo na contrast sa post nila dndlete… but if n favor e2 sa issue nila andun!!! ung iba nga kung laitin cla angel, marriane at kim ok lang andun d nila dndlete!!! tska parang minsan bias cla!!! oppsssss opinion ko lang un ha!!!

  3. napanood ko nga yung number ni G tongie sa ASAP ung damit nya para lang punta ng store,cguro ayaw din nya magdamit ng sexy dahil d na sya kasing sexy ng dati, pero d nman mukhang matrona, still pretty thou…

  4. be happy nalang for G tongi…..kasi for sure she’s happy for she had achieved…..kung mukhang matrona eh di siya yong MILF kung tawagin….

  5. talaga namang mapanira ang pep..pag ayaw ng pep sayo ibabanned na username mo..wla ka naman masamang sinabi…pinagtanggol ko lang naman dun si maricar reyes dahil sa below the belt na pagcocomment..ang masakit inalis good comment at itinira bad comments ni maricar… maclose sana yan na site hindi sila fair..

    • i totally agree with you. Hindi nila pinayagan na mai-post ang aking comment ganung wala naman akong sinabing masama samantalang yung iba ay sobrang makapanlait sa mga artistang hindi nila gusto pero bakit naka-post?

      • KC nga bayaran ng GMA ang Pep. Kita nyo naman tungkol sa star ng 7 ehh pinopost nila kita nyo lahat ng write up kay Marian may nakalagay na HOT kahit na pag change nga lang ng status sa facebook account ng artist nila pinopost ng PEP. Kc bayaran cla ni Wilma…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.