FVR, binatikos si PNoy; palasyo, deadma

HINDI NA pinatulan pa ng Palasyo ang patutsada ni dating Pangulong Fidel Ramos kaugnay ng kaliwa’t kanang problema ng bansa sa ilalim ng Administrasyong Aquino.

Ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang nasabing pahayag matapos pasaringan ni Ramos ang punong ehekutibo sa mga problemang panlipunan at kawalan umano ng aksyon kung saan mistulang “ticking bombs” na sasabog anumang oras.

Una nang sinabi ni FVR sa wreath-laying ceremony sa Fort Bonifacio bilang bahagi ng paggunita sa ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na lalong lumubha ang kahirapan, lumawak ang pagitan ng mayaman at mahihirap, gayundin ang mataas na presyo ng mga bilihin, korapsyon, “poor governance” at paghahari ng dinastiya at mga tinaguriang “oligarchs”.

Iginiit naman ni Valte na kinikilala at hindi naman pinapabayaan ng administrasyon ang naturang mabibigat na suliranin at mga isyu.

Nagpapatuloy rin daw ang paghahanap ng gob-yerno ng mga solusyon at programa para matugunan ang nasabing mga problema ng mamamayan.

“The administration is aware of the country’s problems and the issues we face. We continue to strive to find solutions and programs to address these needs,” pahayag pa ni Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.