Fuel tanker sa Bukidnon, sinunog ng NPA

MATAPOS ANG PAGLUSOB sa 3 minahan sa Surigao del Norte ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA), fuel tanker naman ang sinalakay at sinunog ng mga rebelde sa Bukidnon.

Ginawa ang pag-atake sa bahagi ng Sitio Sunflower, Brgy. San Jose, San Fernando, Bukidnon, kahapon ng madaling- araw.

Ayon kay PNP Region 10 Spokeswoman Chief Inspector Regina Abanales, nasa 10 miyembro ng NPA ang umatake sa fuel tanker na pag-aari ng isang Ryan Galgo, ng Supegreat Fuzo Shell Corporation at residente ng Davao City.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng panununog ng mga NPA. Ikinasa na rin ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa kabundukan ng Brgy. San Jose, San Fernando, kung saan tumakbo papatakas ang mga NPA.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.