Front ng Smugglers, Kinasuhan ng Customs

PORMAL NA NAGTUNGO si Commissioner Angelito Alvarez sa Department of Justice (DoJ) kahapon ng umaga upang ihain ang kasong kriminal laban kay Ma. Luisa Santi Josue, may-ari ng Coreline International Trading na matatagpuan sa 720-E Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.

Sinabi ni Comm. Alvarez na sa pagitan ng buwan ng Oktubre 2009 at noong nakaraang taon, ang kumpanya ni Josue ay nagsumite ng import entry na 2,272 sa BoC, at sa halip na magba-yad ng P203,137,180, nagba-yad lamang ito ng P50,076,240 sa duties and taxes.

Lumalabas sa isinagawang pagsisiyasat ng Run After the Smugglers (RATS) na ang kum-panya ni Josue ay nagpapara-ting ng mga mamahaling imported products at ang modus operandi nito ay “grossly undervalued” o kaya misdeclaration, para iligaw ang pamahalaan.

Bukod pa rito, napatunayan ng mga taga-RATS na ang Coreline International “appears only in paper” dahil walang nakitang mga tauhan kay Josue o kaya mga opisyales sa kanyang opisina at warehouse na pinaglalagakan ng imported goods .

Ani Alvarez, ang kakulangan ni Josue ng “financial capability to engage in multi-billion peso import operation” ay magpapatunay na ginagamit bilang front ang kanilang accreditation para mabenipisyuhan ang mga bigtime smugglers sa bansa.

Samantala, kinondena naman ng ilang mga mamamahayag ang ginagawa ni Alvarez sapagkat magmula ng umupo siya bilang commissioner ng BoC, sa loob ng anim na buwan, wala pa siyang naipakulong na smuggler at kawani ng BoC na kasabwat ng mga ito.

Ayon sa sinanabi ng mga mamamahayag,  tila pam-

papogi lamang ang mga kasong isinampa ng BoC sa DoJ, dahil wala pang mga empleyado ng Customs na nasuspinde o nakulong, bagkus ay nailalagay pa sa mas magandang posisyon ang sinasabing kawani ng BoC na kasabwat ng mga smugglers.

(FROILANMORALLOS)


Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.