FROM ‘REEL’ TO ‘REAL’ KARIBAL: Bianca Umali at Kyline Alcantara, nagkalamat na ang pagkakaibigan?

Bianca Umali and Kyline Alcantara

NAKAKAPANGHINAYANG naman kung totoo ang tsikang nagkalamat diumano ang pagkakaibigan ng ‘Kambal Karibal’ lead stars na sina Bianca Umali at Kyline Alcantara, na tunay na napakahusay sa kanilang pagganap sa programa.

Ang ‘Kambal Karibal’ ang isa sa ‘surprise hits’ ng GMA-7. November 2017 pa ito umeera at originally ay six weeks lamang ang itatakbo nito. Dahil tinutukan ito ng fans, nausungan din nila ang dalawang programang itinapat dito given the fact na hindi naman talaga sila ‘big stars’… or not yet!

Noon ay palaging happy offcam ang mga bida ng programa. Nagkakasama pa nga sila as partners sa ilang shows ng GMA-7 tulad ng Lipsync Battle at Celebrity Bluff. Palagi rin sila may guesting sa Sunday PinaSaya together with Pauline Mendoza, who plays the ghost in white sa show.

Pauline Mendoza

Sadly, dahil daw sa selos at paguudyok ng unnamed cast member ay naging makatotohanan na raw ang sakitan nina Bianca at Kyline sa programa. Ang ugat daw ay pinagselosan ni Bianca si Kyline, na nagiging malapit sa rumored boyfriend nito na si Miguel Tanfelix. Meron daw kasi nagbigay ng malisya kaya ginatungan pa ang namumuong real-life ‘rivalry’. Meron din daw mga raket si Bianca na hindi narerenew at si Kyline ang pumapalit sa kanya.

Well, nakakapanghinayang dahil bongga pa man din sana kung magkaroon ng follow-up project ang tatlong girlies ng Kambal Karibal. Hindi kami magtataka kung bibigyan din sila ng sarili nilang movie pero will that still be possible lalo pa’t nagkalamat na ang kanilang working relationship?

As of writing ay wala pa ni isa sa mga bida ng programa ang nagsasalita about the issue. The more they keep quiet, the more na nakukumpirma na totoo nga ang mga balita.

Related Post

loading...

One thought on “FROM ‘REEL’ TO ‘REAL’ KARIBAL: Bianca Umali at Kyline Alcantara, nagkalamat na ang pagkakaibigan?

  1. it is between biguel and kyline. Hind involved si Pauline Mendoza pero dinadamay para maiba ang issue. Si Pauline ay homegrown kapuso talent since 2014 and real bff ni Bianca.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.