FROM ACTOR TO DIRECTOR: Xian Lim, pasok sa Cinemalaya 2019!

Xian Lim

GOING places si Xian Lim sa kanyang artistry.

Bonggang balita ito para sa mga supporters and fans ni Xi dahil kumpirmado na ang pagiging film director niya para sa CineMalaya 2019 kung saan tagisan ng galing ang mga kalahok sa inaabangang film festival.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Xi ang confirmation letter mula sa pamunuan ng CineMalaya confirming him and his project as finalist sa main competition para sa susunod na taon.

Xi is going places. Umaalagwa na ang aktor hindi lang bilang isang artista sa larangan ng pag-arte kundi pati maging isang singer kung saan nagkaroon sila ng singer-composer na si Marion Aunor ng collaboration for his new music single since he signed up with Viva Artist Agency.

Sa mga hindi nakakaalam, Xian is a full blooded artist. Saw his art works (painter siya) at impressive ang trabaho niya.

 

Sa katunayan, last year he had a solo exhibit in Japan aside from being part of some group exhibits with local and international artists from the Philippines and overseas.

Isang horror-thriller ang genre ng unang major film project ni Xi. Sa katunayan, sa kanyang mga IG postings, nakikita ko ang mga gawang short animation niya na pwede isali sa mga short films animation competition.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “FROM ACTOR TO DIRECTOR: Xian Lim, pasok sa Cinemalaya 2019!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.