FRIENDSHIP GOALS: Bela Padilla, type bigyan ng pelikula si Kim Chiu!

BELA PADILLA

NAKAKATUWA ang friendship na namuo sa pagitan nina Bela Padilla at Kim Chiu. Makikita moa ng sincerity at kabaliwan nila lalo na kapag kasama pa nila sa mga lakad si Angelica Panganiban.

Ang latest na bonding ng tatlo ay ang premiere night ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kung saan bida si Angelica together with Judy Ann Santos a.k.a. Juday na idolo ng karamihan sa mga leading ladies natin sa Pilipinas ngayon.

Certified faneys ni Juday sina Bela at Kim, kaya nang magkaroon sila ng pagkakataon na makalapit sa kanilang idol, manginig-nginig ang mga ito.

“Mas naramidaman ko kasi ‘yung nginig ni Kim, eh kaya ibinigay ko na sa kanya!” isplika ni Bela nang tanungin siya ng press sa blogcon ng Meet Me in St. Gallen. “Naunahan ako eh kaya oooopps… mas kailangan ni Kim ng comfort ngayon so ibigay natin sa kanya!” patuloy pa niya.

Kim Chiu

Last year ay naisulat ni Bela ang dark romance movie na “Last Night” na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Kakaiba ang tema ng pelikula at marami ang napabilib sa kakayanan ng aktres na magsulat ng ganitong klaseng kuwento kahit pa as expected, hindi lahat ng tao ay nagkagusto sa konsepto dahil malapit ito sa dark thoughts at suicide.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang bigyan ng pelikula, walang pakundangan niyang sinabi na si Kim Chiu ang bet niyang bigyan ng movie. Meron daw siyang gustong ipagawa kay Kim at wish niya na matuloy sana ang kaibigan sa proyekto. Nacurious tuloy kami dahil ito raw ay something na hindi pa nagagawa ng Chinita Princess.

Sa ngayon, mapapanood muna natin si Bela Padilla bilang leading lady sa “Meet Me in St. Gallen”, kung saan siya ay itinambal for the first time kay Carlo Aquino. Ipapalabas na ito sa February 7 under the direction of Irene Villamor (Camp Sawi).

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.