Friends lang sila: Paolo, naka-2 na kay Mylene!

SUMUNOD SI PAOLO Paraiso sa kanyang ‘friend’ na si Mylene Dizon sa Amerika, dahil nanganak na nga ang huli noong April 19 (Easter Sunday), and guess what… ng kanilang second child! Support nga naman ni Paolo iyon kay Maylene, at para gampanan ang kanyang responsibilidad bilang ama ng kanilang anak.

Bago nga nangyari iyon, naka-chika-han pa muna namin ang hunk model/actor sa kanyang tirahan sa Philam Homes Subdivision sa QC, habang naglalaro ng paborito niyang sports na tennis.

“Ama ako ng dalawang anak namin ni Mylene at ina siya ng dalawang anak ko, magulang kami ng dalawa naming anak. ‘Di kami mag-asawa kasi ‘di naman kami kasal, eh. Pero magkaibigan kaming dalawa. Kaya nga ako pupunta sa States para gawin ko ang responsibilidad ko bilang ama, dahil manganganak si Mylene na kailangan nasa tabi niya ako habang isinisilang n’ya ang anak namin.”

Natanong namin kasi kung ano na nga ang status ng relasyon nila ni Mylene. ‘Di rin naman kaila sa ating lahat na naging magkasintahan sina Paolo at Mylene at nauwi nga sa pagkakaroon nila ng unang anak na si Thomas. At ‘eto nga, nasundan pa nang isilang nitong si Mylene ang pangalawa nilang anak na si Lucas Miguel.

Naikuwento ni Paolo na nagkaroon daw sila ng kasunduan at pag-uusap ni Mylene na, “They are not getting any younger.” Nasabi pa nga raw ni Mylene na gusto pa raw ng aktres ng isa pang anak at kung magkakaanak daw ulit siya, hindi sa ibang lalaki kundi sa kanya pa rin daw.

Matatandaang naging abala ang aktor sa paggawa ng teleserye sa GMA 7, at isa sa mga aktor na gumanap sa Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Timing namang katatapos lang ng last shooting day ng teleseryeng nabanggit, kaya nagkaroon ng oras ang 28-year old na ama upang alalayan si Mylene sa panganganak.

Nabanggit pa ng aktor na nagpa-ultra sound daw si Mylene pero ayaw nitong malaman kung lalaki or babae ang anak nila, dahil gusto ng aktres na masorpresa kung ano ang kanilang magiging anak. Tanging ang doctor nga lang daw ang nakaaalam kung ano ang kasarian ng kanilang magiging anak. Pero me kutob nga ang aktor na lalaki raw uli ang kanilang magiging anak, at ganu’n nga ang lumabas.

Photos and Story by Allan F. Sancon

loading...

3 thoughts on “Friends lang sila: Paolo, naka-2 na kay Mylene!

Leave a Reply

Your email address will not be published.