Fresh Graduate Assistance Bill, Inihain sa Senado

INIHAIN NI Sen. Manny Villar sa Senado ang isang panukalang batas na magpapagaan sa mga bagong graduates sa paghahanap ng trabaho.

Sa kanyang Senate Bill No. 2968 o Fresh Graduates Pre-Employment Assistance Act, nais ng Senador na iligtas sa mga bayarin sa mga tanggapan ng pamahalaan ang mga bagong graduates kaugnay ng pagkuha ng kanilang mga requirements.

“Finding a job is very difficult with the limited opportunities out there. In effect, we are making it more difficult by imposing fees for clearances, IDs, certifications, among others,” ani Villar.

Sa ilalim ng panukala ni Villar, ipinagbabawal sa lahat ng ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang Government-Owned and Controlled Corporations at local government units na maningil tulad ng bayarin sa pagkuha ng lisensya, proof of identification, clearance, certificate at iba pang dokumento sa loob ng isang taon mula nang magtapos sa high school, college o anumang vocational at technical course ang isang aplikante.

“The waiver of these fees must be taken not as a loss of revenue for the government, but as an investment in its emerging labor force,” dagdag pa ni Villar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.