Freeze Order sa mga Ari-Arian ni Napoles, Isinulong

HINIMOK NI Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga ang Department of Justice (DoJ) na magpatupad ng freeze order para sa mga ari-arian ng kontrobersyal at itinuturong utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Barzaga na layon nitong mahabol ng pamahalaan si Napoles kung totoong bahagi ng hinahanap na pondo ng gobyerno ang pinagmulan ng kanyang yaman.

Nangangamba ang mambabatas na mailipat ng JNL founder ang kaniyang mga asset sa ibang pangalan at tuluyan nang hindi mabawi ang anumang sinasabing bahagi ng pampublikong pananalapi na nailabas sa pamamaraan ng pork barrel.

Samantala, hinikayat pa ng mambabatas ang DoJ at NBI na magpatupad ng gag order sa kanilang mga testigong sina Benhur Luy at Merlina Suñas upang huwag maapektuhan ang nagpapatuloy na pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.