Freeze Hiring ng Taiwan sa mga OFW, Umiiral pa rin

HINDI PA rin natutuldukan ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

Isiniwalat ng isang overseas Filipino worker (OFW) na itinago sa pangalang Bryan na bagama’t tumigil na ang pagmamaltrato at pambu-bully sa mga Pilipino, ginigipit naman sila ng pamahalaan ng Taiwan sa pamamagitan ng freeze hiring.

Aniya, simula Mayo 15 ay hindi na nagpalabas ng job order ang nasabing bansa sa mga Pinoy kaya kahit gustuhin ng mga amo ni-lang Taiwanese na muli silang kunin bilang empleyado ay hindi na sila makabalik doon.

Karaniwan aniyang kalakaran, “After 30 days po na binibigay sa iyong bakasyon, 30 days pong magpa-process ng papers sa Pilipinas, makakabalik ka po agad dito.”

Pero ngayon aniya, “Ang nangyayari po, wala kaming job order ngayon dahil ang sabi po ng aming amo, ‘yung job order ay hindi pina-lalabas ng Taiwan.”

Nakipag-ugnayan na rin si Bryan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) at sa agency rito sa bansa, pero kinumpirma lamang ng mga ito na wala nang inilibas na job order ang Taiwan makaraan ang Mayo 15.

Sinabi pa ni Bryan na posibleng ginigipit sila ng Taiwan government dahil hindi pa rin tinutugunan ng gobyerno ng Pilipinas ang hirit nilang makuha ang resulta ng pagsisiyasat sa napatay na Taiwanese fisherman.

Samantala, nasabi pa nito na base sa mga balitang lumalabas sa Taiwan, posibleng mawalan na ng OFWs doon sa loob ng tatlong taon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.