Freddie Aguilar, para makaiwas sa kaso, pinakasalan ang batam-batang GF?!

Freddie-Aguilar-WeddingKAHAPON DUMATING si Freddie Aguilar at ang menor de edad niyang girlfriend na pinakasalan niya sa Islam rites, galing Maguindanao.

Lalong naging kontrobersyal ang dalawang ito dahil pagkatapos kinasuhan si Freddie ng Qualified Seduction, biglang nagpa-convert ito ng Muslim at pinakasalan itong 16 year-old niyang girlfriend.

Alam ko, magse-17 na ito bago matapos ang buwang ito, at wala nang nakapagpigil pa sa kanilang pagmamahalan, talagang nagpakasal sila sa isang Islam rites na pinangasiwaan ni Gov. Toto Mangudadatu.

Nakausap namin si Freddie sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, at masayang-masaya raw siya dahil sa kabila ng mga bumabatikos sa kanila, marami pa rin ang sumusuporta. At ang importante, mahal na mahal siya ng kanyang bagong asawa.

Hayaan na natin sila. Nagkataon lang na menor de edad ang babae, pero mukhang hindi naman 16 ang isip nito dahil parang matanda na magsalita.

Ang dami nang mga menor de edad ngayon na matured na mag-isip kaya hayaan na natin sila. Bukod pa riyan, suportado naman sila ng magulang ng babae, at hindi naman nagrereklamo. Kaya wish na lang natin sila na maging masaya sila sa kanilang pagsasama.

Sabi nga ni Freddie, wala raw siyang pakialam sa mga tumitira sa kanila dahil hindi naman daw roon nanggagaling ang kinakain nila. Kung ‘yun daw ang pinili nilang buhay, wala na tayong magagawa.

Pagdating sa kasong isinampa sa kanya, hindi na alam ni Freddie kung ano ang kahihinatnan nu’n. Ang pagkakaalam daw niya, wala nang magagawa ang kasong ‘yun dahil kasal na sila ng girlfriend niya.

 

ANG LAKAS pala talaga sa mga fans itong Teng brothers na sina Jeric at Jeron.

Nagsimula na sa PBA itong si Jeric sa Rain or Shine na team at dagsa raw ang mga fans kapag may laro ito.

Nu’ng nag-guest nga sa amin ang magkapatid, ang taas ng rating namin at nagsuguran ang mga staff sa studio para magpalitrato sa kanila.

Itong si Jeric ang may matinding pagka-in love kay Jessy Mendiola, kaya lang hindi pa yata nanliligaw.

Malamang na maghi-hit sila lalo dahil lagi na silang nakikita at ang dami nilang imbistasyon na guesting sa TV shows at pati sa mall shows.

Bukod sa Teng brothers, mainit din itong Paras brothers na sina Andre at Kobe. Maintriga lang sila kaya medyo umiiwas sila sa mga gustong mag-interview.

Pero nangako na raw itong nanay nilang si Jackie Forster na mananahimik na ito. Kaya sana panindigan niya dahil hindi pa rin tumitigil sa pagpu-post ng kung anu-ano, at ang huli ngang pinagtripan nito ang stepmom ng magkapatid na si Lyxene. Pero hindi na ito sinasagot ni Lyxene, at ayaw na lang daw niyang patulan.

Anyway, abangan ‘nyo na lang ang pamamayagpag ng career ng mga magkakapatid na ito na sina Jeric at Jeron Teng, at sina Andre at Kobe Paras.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Freddie Aguilar, para makaiwas sa kaso, pinakasalan ang batam-batang GF?!

  1. grabe yung babae na yun sabagay mahirap ang buhay ngayon kaysa pumatol sa mga bata e wla nman maipakain at lolokohin lng atleast itong si idol fredie marami asset..yun nga lng….

Leave a Reply

Your email address will not be published.