Freddie Aguilar, hinamon ang NBI! – Morly Alinio

NAGHAHAMON SI FREDDIE Aguilar. “Sige, hinahamon ko ang NBI na patunayan nila ang mga sinasabi nilang kasangkot ako sa isyu nito ng pamangkin kong si Jason (Ivler) wala akong pakialam sa kanila. Kung noon ngang may Martial Law ay hindi ako natakot, ngayon pa nila ako tatakutin.” Sunud-sunod na pahayag ni Freddie matapos na mailagay na sa regular ward ang pamangkin na si Jason sa Quirino Memorial Hospital.
Tinangkang kausapin ng Pinoy Parazzi si Jason sa Quirino Hospital subalit mahigpit ang bantay na mga NBI. “Ako nga, hindi ko pa nakakausap si Jason pero dahil tinatanong ninyo ako, ang masasabi ko lang ay mabait at tahimik na bata si Jason, kaya gulat na gulat ako sa mga pangyayaring ito at ang hindi ko pa nagustuhan ay bakit ako, kailangang imbestigahan? Bakit, ako ba ang gumawa ng krimen? Sige, kung mapayutunayan nilang may kasalanan nga ang pamangkin ko, sige, hulihin nila ito dahil hindi ako kunsintidor na tiyuhin. ‘Yung kapatid ko nga nang magkasala, ako mismo ang nagdala sa mga pulis, ito pa kayang pamangkin ko lang?”
Ayon kay Freddie hindi si Jason ang tunay na kahulugan sa kanta niyang “Anak” dahil sa pagiging wanted nito ngayon sa lipunan. “Hindi si Jason ang ‘Anak.’ Ako ang tinuturing dito dahil ako ay hindi naging mabuting anak ng aking mga magulang. Pinasakit ko ang ulo nila noong panahon ng aking kabataan at aaminin ko sa inyo, black sheep ako sa aming pamilya. Hindi black sheep si Jason dahil uulitin ko, mabuti siyang tao at lahat ng mga kaibigan niya ay nagulat at nabigla talaga sa mga nangyari. Pero hindi pa naiimbestigahan ang isyu kaya wala pa tayong karapatang husgahan siya.”
Inamin ni Freddie na sa ngayon ay hindi sila in good terms ng kanyang kapatid na si Marlene, na ina ni Jason. “Hindi man kami nagkikibuan dahil may personal kaming hindi pagkakaunawaan, hindi naman iyon nangangahulugan na magkaaway na kami. Mahal ko ang aking pamilya,” pagwawakas ni Freddie.

MARIING ITINANGGI NI Yayo Aguila na may relasyon ang anak niyang si Patricia sa dating live-in partner ni Mickey Ferriols na si Archie Alemania. “Sa pagkakaalam ko, magkaibigan lang sila at walang ligawang nangyayari sa kanila.”

Gulat na gulat nga raw si Yayo nang may isang press na nagtanong sa kanya tungkol sa nasabing isyu. “Actually, hindi ko nga alam na may ganyang intriga na palang lumalabas. Kasi sa totoo lang, close kami ni Pat pero wala siya sa aking naikukuwento tungkol dito.”
Sa kabilang banda, inamin ni Yayo na matagal na raw niyang pinatawad si Baron Geisler sa nagawa nitong kasalanan sa kanyang pamilya. “Nakapapagod ang hearing, ayoko ng mga ganyang kaso. Pero hindi ako ang involved dito kundi ang aking anak. Kaya kung anuman ang kanyang desisyon, iyon ang aking susupporthan, nandito lang ako bilang ina.”
Inamin ni Yayo na nanghihinayang siya sa friendship nila ni Baron. “Kung totoong nagbago na siya at hindi na siya umiinom ng alak, it’s fine! Mabuti naman. Magaling siyang aktor kaya sayang naman kung pababayaan niya ang kanyang career.”

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

3 thoughts on “Freddie Aguilar, hinamon ang NBI! – Morly Alinio

  1. sira nga yang freddie aguilar na yan, smaantala makasabi sya ng unggoy kina chrarice at arnel, eh anu tawag mo sa pamanghkin mu???? mas masahol pa sa unggoy ulul!

Leave a Reply

Your email address will not be published.