Frat war sa tulay Binatilyo, kritikal sa bala

RIZAL – KRITIKAL NGAYON ang 17-anyos na binatilyo matapos na mabaril sa kainitan ng frat war ng mga kabataan Linggo ng madaling-araw sa ibabaw ng tulay sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima sa alyas na “Jun”, isang out of school youth at residente ng Litex Village, Brgy. San Jose sa nasabing bayan.

Naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Mark James Mendrez, 19, habang pinagha-hanap pa ang mga kasamahan nito na sina Joric Velasco, 20; Archie Celemen, alias ‘Balat’ at 13 pang kaalyado nito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa E. Rodriguez Bridge, Brgy. San Jose.

Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang ilan pang katropa nang makasalubong ang grupo ng suspek.

Agad na nagkaroon ng pormahan na nauwi sa riot hanggang sa magbunot ng baril ang isa sa mga suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa kanyang katawan.

Agad na naisugod sa H-Ville Hospital ang biktima kung saan ito nilalapatan ng lunas.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.