Francis M.’s funeral live in Eat Bulaga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

NGAYONG ARAW ANG libing ni Francis Magalona na gagawin sa Loyola Memorial Park sa Marikina pagkatapos itong i-cremate.

Ang pagkakaalam ko, ang buong Eat Bulaga family ay dadalo sa libing at live na mapapanood ito sa Eat Bulaga kinatanghalian. May tribute uli ang Bulaga para kay Francis, kaya big day din ito para sa kanila.

Tingin ko naman hindi pababayaan ng Eat Bulaga at ng TAPE, Inc. ang pamilyang naiwan ni Kiko dahil mula nang nagkasakit ang Master Rapper, all-out na ang suporta nito sa kanya.
Si Ely Buendia naman, mukhang dinamdam nang husto ang pagpanaw ni Kiko kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagpapa-interview.

Nagpadala lang ito ng text message sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, para ipahayag ang matinding kalungkutan sa pagyao ng kanyang bestfriend.

Narito ang nakaka-touch na message ni Ely para kay Francis: “There are no words to describe the sadness I feel. He was my brother and I will miss him forever. Thank you, Kiko for inspiring me. Now you are a true Freeman. Say hi to my Mom for me.”

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang buong detalye ng libing ni Francis.


MASAYA NAMAN ANG
buong pamilya ng dating Sen. Ramon Revilla Sr. dahil nag-celebrate ito ng kanyang kaarawan nu’ng nakaraang Linggo.

Na-stroke si Mang Ramon nu’ng nakaraang taon at matagal-tagal din itong naratay sa ospital, pero nalagpasan nito lahat at ngayon nga, nakapagsasalita na siya.

Sabi nga ni Mang Ramon, ito raw ang pinakamasayang kaarawan niya dahil nalagpasan niya ang pagka-stroke at nakapagsalita na siya ngayon. Ang birthday wish nga ni Mang Ramon, na sana makakalakad na raw siya.

Dahil sa pasasalamat ni Mang Ramon, nag-donate ito ng malaking bahagi ng lupa niya sa Bacoor, Cavite para pagtayuan ng ospital. Kung kulang pa raw ito, meron pa silang puwedeng idagdag na bahagi ng lupa nila para mabigyan ng matinong ospital ang mga taga-Cavite.
Tuwang-tuwa naman ang mga anak nila lalo na si Sen. Bong Revilla dahil hindi talaga nakakalimutan ng Daddy nila ang pagtulong sa mga taga-Cavite.

Siyanga pala, malapit na palang simulan ni Sen. Bong ang pelikulang Ang Panday na entry ng GMA Films at Imus Productions sa Metro Manila Film Festival.

Napili na nila sina Iza Calzado at Rhian Ramos na maging leading lady nito kaya tuwang-tuwa naman ang dalawa, dahil type na type nila ang project at gusto raw nilang mag-aksiyon.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.