Francis Magalona, has another family? *with photos*

SABADO NG GABI nang matanggap ko ang isang text. Nagpapatanong kung ano ang reaksiyon ni Pia Magalona sa pagkalat ngayon ng isang e-mail na naglalaman ng mga larawan ng kanyang yumaong kabiyak na si Francis Magalona, kasama ang isang babaeng nagngangalang ‘Abegail’ at may pictures din ng invitation sa isang binyag (na idinaos noong umaga ng December 28, 2008) sa Kawit, Cavite. At pictures din na nagpapakitang may suot silang identical wedding rings.

Hindi ko pa nakikita ang pictures, nag-text na ako kay Pia, although alam ko na ang isasagot nito, na hindi nito papatulan ang kung anupang mga bagay na ganito.

‘Eto lang ang mga sagot ni Pia sa akin sa aming usapan sa text:

“No! You know me, I don’t need publicity so I don’t have a reaction. I have better things to do. Sobrang laki talaga ng effect ng pagsabi mo sa akin that ONE TIME in my 20s na tinawag mo akong REACT QUEEN. That was my turning point.

“I’ve heard of all of those things but won’t bother to see those pics, because they don’t prove anything. Best person to ask is FM (Francis Magalona). If anyone can get his reply then congrats to them.”

Nagtatawanan na nga lang kami ni Pia tungkol sa isyung ito. Sabi ko nga, bakit ngayon lang ilalabas ang mga ganitong klaseng bagay at ano ang motibo ng naglalabas?

Naisip ko tuloy ang minsang naikuwento sa akin ni Pia sa iba pang mga taong pilit na naninira sa nasirang Master Rapper, at marami pa sa kanila ang mga nagpapanggap at umaako na sila ang diumano eh, gumawa ng mga kanta nito. Parang from the same place rin.

At saka pictures ang nakita ko. Eh, hindi naman tayo basta-basta nagtitiwala at naniniwala sa mga pictures lang.

Nananahimik na si FM, ngayon naman may gusto pang guluhin at sirain ang magandang pangalang iniwan nito sa kanyang pagpanaw.

O, alam mo na Ms. Abegail, what you need to do kung mahahanap mo ang mga kasagutan kay FM? Kasi, ang late mo namang naglabas ng mga panggulat mo kuno. Wala na si FM. Ano pa? Baka naman may video ka ring gustong ikalat?

Tama si Pia, mas marami pang isyu na mas dapat na bigyang-pansin dito.

DAIG KA NI Ate Lolit (Solis) ko, ha? Kas ito, long-time confidante ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Pero masasabing ang closeness nila eh, hanggang kamatayan.

Sa kasagsagan nga ng gulo sa pagitan nina Katrina Halili at Hayden Kho, maraming revealing na kuwento si Ate Lolit.

At bago sumalang sa Senado si Katrina, naikuwento pa ni Ate Lolit sa press conference ni Sarah Geronimo (sa launching ng Philippine Tour nito sa kanyang mga darating na concerts simula sa June 12 sa Lipa, Batangas), na napanaginipan niya si Daboy.

“Alam n’yo naman ang pagkatsismoso ni Daboy. ‘Di ba? Lalo na ‘pag may mga malalaking issues sa showbiz. At sa panaginip ko, ang tinatanong nito eh, ‘yung tungkol sa sex video at kung sinu-sino pa ‘yung ibang mga babae du’n. Sagot naman daw ako sa panaginip.”

Nakapagbiro pa nga raw sa panaginip niya si Ate Lolit na walang video  du’n si Osang (Rosanna Roces).

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

43 thoughts on “Francis Magalona, has another family? *with photos*

  1. well, after so many kids, a man still wandered. and spending the last few months taking care of him despite – isali nyo na the many years she also managed and took care of him, that was no mean feat for the woman. cut her some slack, guys.

  2. You can’t blame Francis. I have seen Pia in a mall a few days ago and grabe napaka-sama pala ng ugali ng babaeng yun. na-turn off ako. sinisigaw sigawan nya yung mga staff at cashier dun na parang di na nya ginalang. Kaya pala di sya umiyak sa burol kasi talagang matigas puso nya.

  3. oo nga no. we looked at her as a strong woman kuno. yun pala all was not well. and the girls were sort of rebelling, living their own lives already. oh well, such is life…

  4. i just saw onelove. the pics are newly posted. i have a feeling that someone close to FM stole his laptop. why oh why does she have to post those pics NOW?

  5. kakainggit naman ang pics nila.they look so in love.sayang noh.ang cute talaga ng anak nila kamukha ni francis magalona, maxene at arkin hahaha.ano sa tingin mo ms. mateo.

  6. We were witnesses to the sincerity and authenticity of Abegail and Francis’ enduring love story. True, Francis was a married man and Abby is an attractive unattached corporate woman. But then again, like what almost everyone had already said, who are we to judge them?! Regardless of their status, they are simply individuals who fell in love, and tried their very best to comfortably live a life outside the spotlight. With respect to Francis, who we are definite would never have wanted gossip-mongers to feast on the quiet lives of his loved ones, let us just leave all of these to rest. Better yet, channel your “creative writing”, Ms. Mateo and the rest of you, to worthwhile and conscientious endeavors. And to even drag an innocent baby to this kind of charade?…shame on you all!

    To our dear and much celebrated friend, Abby, amidst all these chaos, we know that you chose to keep private. We apologize to you to have spoken. We can no longer contain the absurdity of these gossips. Keep your chin up and soar high.

    We love you.

  7. hay naku..I also know about abby..may ex siya ng 6 years at ang cause of break-up is kiko..matagal ng panahon yon…

  8. nasisiguro kong maraming nakakaalam nito.maraming kaibigan si master.pero hindi sila nagsalita o nagsulat ng anuman dahil iginagalang nila ang kaibigan nila.ikaw lang ang naglathala nito.kaibigan mo si pia?bakit inilathala mo?pagisipan mong mabuti ang bawat isusulat mo.

  9. Abby is a stewardess of Asiana Airlines. These photos were from the stolen laptop. Francis and Pia really never got along. Pia never grieved over Francis because they were done a long time ago.
    Francis and Pia and Abby are all human beings just like all of us. Things like this happen. So let us not blame anyone, it’s their life anyway. Not ours. let’s ll mind our own.
    I think it’s impressive rather than annoying that Pia and Abby chose to keep quiet over this matter. It is a private matter, it’s between them and only them alone. So let us all respect why they chose to be silent instead of speak up.
    And for those people who steal things, like whoever stole this laptop from a deceased person. That is just the lowest of the low. Pathetic.

  10. I am not even a kapuso but I don’t understand why you have to write or blog about this thing when you are a close friend of the Magalona family. Francis M is dead and he can’t even defend himself. Wala siyang kalaban-laban sayo. Shame on you!

  11. un baby, kamukha din nina maxene. i have that pics in my email.. cute nga eh. bininyagan un bata december 28, 2008. sa cavite. un 2 pics ng baby nde na ata upload dito. xmpre baby un..

  12. and besides PIA is also not perfect. FrancisM did not father her 2 oldest kids but he treated them well.

  13. and so……….. ano ngayon? Gusto ba nito? mag artista o humabol sa pera??? your just a proud kabit dear!

  14. it doesn’t change anything. i still admire KIKO. he may have committed mistakes during his lifetime but who hasn’t. RIP to you IDOL.

  15. pia knows about this..she is just keeping mum…anyway..rest in peace na nga francis..but if may anak talaga sila..kawawa naman yong bata..hwag na natin husgaan ang pagkakasala ng girl na yan at si francis…let us wish na yong bata eh makilala ang ibang brothers and sisters niya..there is always a weak side ng isang tao…who knows the reason why francis ended up with this girl…there’s not much to say…at least noong buhay pa si francis, hindi nag claim o nanggulo ang ina ng anak niya…kung si abegail man ang naglabas ng pics na ito..it is not to make francis bad..but to let the world know that she and her kid was once a part of francis’ life and will forever be. sana tanggapin ng mga anak ni francis kay pia ang kapatid nila kung meron man…

  16. di ba nawala ang laptop ni master rapper? bakit naman pagbibintangan ang abegail na yan.kung gusto nya ng gulo matagal nya ng kinalat ang lahat.pero kung kelan patay na ang master rapper dun pa ba? anong mapapala ng abegail.sana nung buhay pa si master rapper lumabas na cia.bakit naman sa dinami dami ng mawawalan sa loob o labas ng bahay nila e ung sa master rapper lang ang mawawala? magisip naman kayo.at para sa reporter na naglathala nito babae ka din.at isa pa single ang master rapper dahil sa ibang bansa sila ikinasal ni pia.

  17. teka francis was very sick at that time di ba? december 28, 2008? baka naman tropa nya lang yan.

  18. bakit ngayon lang ito ipinakalat?

    who will confirm or deny this? wala na si francis,
    no comment/no reaction naman si pia.

  19. pakirating to kay boy abunda na wala hiya siya ginamit niya ang kaibigan ko….binayaran niya ito ng malaki para walang maka alam…at sinabihan siya na kahit ipagsabi niya ito sa publiko walang maniniwala sa kaibigan ko dahil siya ay respetadong icon sa showbiz..kaya tinanggap na lang niya….
    kaya ko to sinabi dahil naawa ako sa kaibigan ko na ginamit ni boy abunda ang kanyang ka inosentihan gamit ang pera ni boy….paki abot kay boy abunda….kumg may katotohanan ba ito?

    salamt pinoy parazzi….looking forward

  20. obviously si Kiko talaga yan at sweet sila nung babae…plus the pictures seems to be taken during good times :-) mas OK nga kung may anak pa pala si Kiko sa iba para nman may iba pa syang memories…di kasalanan ng babae kung lumabas yan kung yan ang katotohanan

  21. i think these pictures don’t lie… they worth a thousand words… kaya lang ayaw nilang mag comment dahil wala na si Francis Magalona at ayaw na nilang madungisan pa ang perception sa kanya ng ao bilang good husband and a father…

    • Omg,,this is so sad,,,kaya pala di masyadong sad si pia,,siguro alam nya,,,,francis bakit?does ur kids know about this?

Leave a Reply

Your email address will not be published.