Francine Prieto, problemadong-problemado sa inang may sakit!

HINDI PA RIN mapigilan ni Francine Prieto ang maluha kapag tungkol sa kanyang inang nakaratay sa sakit na cancer ang pinag-uusapan.

Nu’ng Sabado raw lumabas ng hospital ang Mommy niya, pero kinausap daw silang magkakapatid ng doktor na malala na ang kalagayan ng kanilang ina na si Mommy Amy Falcon.

Mga isang linggo raw munang magpapahinga si Mommy Amy at pagkatapos nu’n, kailangang may ilagay raw na apparatus sa may dibdib ng Mommy niya para makalabas daw ang fluid dahil punung-puno pa rin daw ng tubig ang lungs nito.

Kailangan din daw ang isa pang klaseng chemotheraphy sa Mommy niya. Kaya lang iniisip ni Francine, kung kaya pa ba ito ng katawan ng Mommy niya.

Nakikita raw niyang malakas pa ang spirit ng Mommy niya na gumaling, pero mukhang hindi na raw kakayanin ng katawan. Kaya ‘yun ang ikinalulungkot ng seksing aktres.

Madalas na nagdarasal daw ngayon si Francine na nagtatanong na bakit sunud-sunod naman itong dumarating na dagok sa kanya.

“Kung kailan wala akong work, saka naman dumating itong kay Mommy. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,” maluha-luhang pahayag ni Francine.

‘Yun daw ngayon ang iniisip niya dahil kung sakaling iki-chemo na uli ang Mommy niya, saan na naman daw siya kukuha ng pambayad dito.

May mga kaibigan daw na nag-aalok ng tulong pero hindi naman daw siya ‘yung tipong nanghihingi ng tulong. Kapag may tumatawag at nagti-text daw sa kanya na ipinagdarasal nila ang Mommy nito, malaking tulong na raw ‘yun sa kanila.

“Malaking tulong din ‘yung may tumatawag sa Mommy ko para palakasin ang loob niya. Malaking bagay ‘yung pinalalakas ang moral niya dahil nakatutulong sa paglakas ng Mommy,” dagdag na pahayag ni Francine.

Sa ngayon, wala pa raw siyang regular na show kundi pa-guesting-guesting lang kaya kahit papa’no meron naman daw siyang nagagastos para may maipantawid sa pagpapagamot sa Mommy niya. Pero kung sakaling lumaki na ang gastusin sa mga gamot, hindi na raw niya alam kung saan pa siya kukuha ng pera dahil meron pa raw siyang hinuhulugang loan para sa bahay niya.

MAGSISIMULA NA SA Lunes ang Panday Kids sa GMA Telebabad bilang kapalit sa magtatapos ng Darna. Isa sa mainit na pinag-uusapang kasali sa bagong telefantasya ng GMA 7 ay si Jackie Rice.

May tsika kasing insecure daw sa kanya si Lovi Poe kaya hindi niya ito tinanggap. Pinabulaanan naman ito ni Lovi dahil hindi nga raw niya alam kung ano ang role niya dahil ang manager lang daw niyang si Leo Dominguez ang nagbasa ng script. Sinunod lang daw niya ang desisyon ng manager niyang huwag nang gawin itong Panday Kids. Hindi naman daw niya puwedeng kainsekyuran si Jackie dahil kaibigan daw niya ito.

Nang tinanong ito kay Jackie, nagulat siya dahil wala raw siyang alam na may ganu’ng intriga. Tingin naman daw niya, walang ganu’ng insecurities si Lovi sa kanya dahil magkaibigan nga raw sila. Naniniwala raw siya kay Lovi kaya hindi ito naapektuhan sa ganu’ng intriga. Basta sinusunod lang daw niya kung ano ang pinapagawa sa kanya rito sa Panday Kids at tingin nito, hindi naman kailangang pang kainsekyuran.

By Gorgy’s Park

loading...

5 thoughts on “Francine Prieto, problemadong-problemado sa inang may sakit!

  1. Francine, I will Pray for your mom and you’re family. There’s always a rainbow after the rain. Our Lord will always be there for us no matter what. Hope is the parent of Faith. God Bless you and your loved ones.

  2. Sabi ni unsolicited advice “para kay francine, binibigyan tayong lahat ng pagsubok ng ating Panginoon kung tayo’y medyo nakakalimot sa Kanya”

    Hindi ito totoo. Maling-mali ang ganitong konsepto. Walang basehan at in contrast sa totoong personalidad ng Diyos which is “pag-ibig”. Walang ganitong sinabi ang Bibliya. Ang sinabi sa Bibliya, hindi nga nanunubok ang Diyos! Huwag mo ng pasamain ang loob ni Francine.

  3. para kay francine, binibigyan tayong lahat ng pagsubok ng ating Panginoon kung tayo’y medyo nakakalimot sa Kanya, pero hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok kung hindi natin kaya. Just hang in there!

Leave a Reply

Your email address will not be published.