Francine Prieto, may pera nang pang-shopping?

Napitikan natin si Francine Prieto habang nagsa-shopping sa opening ng isang clothing and accessory store nu’ng June 28, 2010 sa Forever 21 sa Megamall. Maraming celebs ang na-invite sa exclusive sale ng nasabing store. Pumanaw ang ina ni Francine na si Amelia dahil sa cancer nitong taon lang. Matatandaang napakaraming celebs  ang nag-donate para mabayaran ang hospital fees ng ina ni Francine – kasama na riyan sina Anne Curtis, Angel Locsin, Boy Abunda, Kris Aquino at Christian Bautista.

Mabuti na lang at lumipat na si Francine sa Dos at medyo nabuhay ang showbiz career niyang muli. Host siya ngayon ng Kabuhayang Swak na Swak at Ka-Date sa DZMM. Kasali rin daw siya sa ikalawang installment ng Lobo (Imortal). Mukhang kumikitang-kabuhayan na ulit si ate kaya naman malayang-malaya na siyang mag-shopping. Bongga! Sana magtuluy-tuloy na ‘yan!

By Faith Salazar

Photos by Parazzi Wires

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Francine Prieto, may pera nang pang-shopping?

  1. lol. kumbaga sa pagkain junk food ang forever 21 sa states. disposal clothes. madaling masira. panandaliang damit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.