Francine Prieto, dawit sa prostitution?!

NU’NG LINGGO ko pa narinig ‘yang kuwentong may isang dating sexy actress daw na nahuli sa Edsa Shangri-La na na-involve sa kasong prostitution.

Siyempre kinalakal ko, ‘day! Si Francine Prieto pala ito, na ang sabi nadamay raw siya nang merong isang kilalang bugaw na sinet-up para mahuli na ito.

Ang kuwento pa, merong isang kilalang negosyante raw ang tumulong kay Francine para makalabas lang ito.

Iyak nang iyak daw ang aktres na humingi ng tulong dahil hindi raw niya alam na bugawan na pala ‘yung pinasok niya.

Kung totoo man ‘yun, baka nga naimbitahan lang si Francine sa isang dinner na walang kamalay-malay na binebenta na pala ito nang kausap niya.

Sinubukan ng Startalk staff namin na kontakin ang aktres. Pero nang nakausap siya, itinatanggi niya ito. Hindi raw totoo at hindi raw siya na-involve sa ganu’ng raket.

Ngayon ay kinakalkal ng Startalk staff namin ang kuwentong ito, dahil ang pagkakaalam namin, may ilan pang mga kasamahang nakakulong pa rin at hindi sila mapiyansahan.

Meron daw roon nahuli rin na miyembro ng isang sexy all-female group. Ang isa pang kilalang bugaw na nakakulong ay ang nanay raw ng dati ring sexy star.

Pero hindi na active itong sexy star na ito, at ang nanay raw ay matagal na raw na pambubugaw ang pinagkakakitaan.

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk dahil niri-research pa ang buong katotohanan ng kuwetong ‘yan.

 

NGAYONG ARAW na pala magsu-showing ang magandang indie film na Sana Dati, na nanalo sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Si Lovi Poe ang bida rito at siyempre pinuri na naman siya sa magaling niyang performance. Pero hindi yata siya ang nanalo as Best Actress.

Ang nanalo rito ay si TJ Trinidad na Best Supporting Actor sa nakaraang Cinemalaya.

Si Paulo Avelino ang leading man niya rito, pero ang kuwento ng mga bakla, tinalbugan daw ito ni Benjamin Alves na magaling din daw sa pelikulang ito.

In fairness, nakapapasok na sa kamalayan ng mga manonood ang mga magagandang indie films. Pero sana ma-promote pa nang husto para tangkilikin naman ng mga manonood.

Ang dami ngang magagandang indie films at sinalihan na rin ito ng mga kilalang artista kaya sana nga mapansin na ng masa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Francine Prieto, dawit sa prostitution?!

  1. Sobrang nalaos si Francine simula nang maging kapamilya. ayan nagpuputa na lang. How gross! Ugaling Mother Ignacia talaga! Pokpok yan dati sa Japan pero nagbago image nung maging mainstay sa GMA shows. Ngayon balik na naman sa dating gawi dahil walang mapalamon ang naghihirap na EBS sa kanya. bigyan nga yan ng matinong trabaho! 

  2. WITH OR WITHOUT SCAM SA PORK BARREL, PROSTITUTION WILL STILL THRIVE. EVEN THE RICHEST COUNTRY IN THE WORLD HAS ITS SHARE OF PROSTITUTION, THE OLDEST PROFESSION IN HISTORY. KAYA WAG NYONG I-CONNECT ANG PORK BARREL SA PAGIGING POKPOK NG KATULAD NI FRANCINE.

    • Ang magnakaw ng biliones na pera ng bayan, higit pa sa isang pampam. Ang kunsintidor sa ganitong gawi, higit pa sa isang prosti, di ba LOLIT HARBAT ?

  3. Kung hindi pa sana kinurakot ng mga politicians yong pera na para sa kaangatan ng Pinas, wala sigurong magbenta ng kanilang mga kaluluwa, e ito kasing mga politicians, gusto lang pork palagi ang kakainin, tama ba Lolit?

    • Ilusyunada! Hindi naaalis ng matinong gobyerno ang libog ng mga tao. At habang may taglibog maraming magpuputa, tulad ng laosianang kapamilya character actress na yan.

  4. sa buhay ngayon, sa nakawan sa Pork Barrel, pati nga ibang artistang lalaki pumapatol na sa mayayamang beki para lang kumita…ang bayaran daw sa labas ng Pinas…eh si Francine pa kaya…uhaw sa mga mamahaling gamit..hindi pa nga sumisikat nalaos na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.