Francine Prieto at Bobby Yan, break na!

MARAMING HINDI NAKAKAALAM na na-ging magkarelasyon pala sina Bobby Yan at Francine Prieto, at eto na naman ang senaryo, nalalaman lamang ng ating mga kababayan na naging sila kapag break na.

Nang makausap namin si Francine sa isang event kamakailan, iniiwasan niyang matanong namin ang tunay na estado nila ni Bobby, pero kinulit namin siya tungkol dito. At ‘yun nga, naging sila at ngayon ay hiwalay na.

Hindi kaya siya nahirapang pumasok sa kanilang radio show dahil nag-a-advice sila sa mga problema tungkol sa pag-ibig tapos sila pala ay may mga pinagdaraanan din?

“Kinausap ko ‘yung mga boss namin sa radio na kung p’wede akong magpalipat ng program, kasi ayokong dumating ‘yung time na magkakaproblema. Pero sabi nila sa akin, kaya ko ‘yan, loser ang dating ko kapag ako ‘yung umalis, parang ganon. So, sinubukan ko naman, pero hindi talaga naging okay. So, ngayon naman, minsan okay naman kami, minsan hindi gano’n ka-okay. Sa ngayon, inaayos ko… meron akong inaayos, kasi para makapag-heal ako nang maayos. Kasi hindi ka makakapag-heal kapag nakikita mo pa rin ‘yung… nakakasama mo pa rin. Parang parehas kaming dalawa na makapag- move on na rin.”

So ibig mong sabihin parang may feelings pa rin siya for Bobby? “Oo, naman! I mean, naging special naman siya sa akin hanggang ngayon, kahit naman siya rin. Kasi hanggang ngayon, ‘pag minsan kaila-ngan ko ng taong makakausap, alam mo ‘yun… like nu’ng nakaraang nagkasakit ako, pinuntahan n’ya ako sa bahay, ‘yung gano’n pa rin naman siya, pero siyempre iba na, dahil hindi ka na p’wedeng mag-expect dahil hindi naman kayo.”

 

DUMALO KAMI SA isang event noong Miyerkules ng gabi para sa pelikulang Thelma, kung saan personal kaming naimbitahan ni Direk Paul Soriano. Present ang lahat ng mga casts nang nasabing pelikula at lahat sila ay puro papuri sa kanilang director.

Ani Miss Tetchie Agbayani, “Bukod sa guwapo, at flawless, magaling ang disiplina ni Direk Paul na nakuha niya sa advertising world. Laging on time, at para siyang may storyboard lagi sa bawat eksena, ‘yun nga lang ay nakaguhit ito sa kanyang utak.”

Super happy naman si Maja na at last dumating na ang pinakahihintay niyang break, ang magbida sa isang pelikula. “Own it,” ito ang bukambibig ng dalaga dahil super-excited daw siya sa ganda ng istor-ya nito.

Incidentally, co-producer din si Maja sa pelikula at kung mabigyan daw siya nang pagkakataon, gusto pa rin niyang mag-produce ng pelikula in the future.

Nang mausisa namin ang dalaga kung gaano kasakit ang mga intriga linking her to Direk Paul, medyo paiwas na lang ang sagot niya na, “Let’s move on and let’s be happy.”

Ayon naman ke Direk Paul, sana isulat na lamang ang tungkol sa pelikula na kanilang pinaghihirapan. ‘Yun na!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielserato@gmail.com
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Francine Prieto at Bobby Yan, break na!

  1. GANYAN TALAGA USO SA SHOWBIZ NAGKAKANTUTAN NA AT NABUNTIS NA AT NAGPA-ABORT NA EH FRIENDS PA RIN LNG DAW CLA KAYA HINDI NA BAGO YANG K FRANCINE HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.