Framework Agreement sa US, ‘Di Paghahanda sa Giyera – DFA

BINIGYANG-DIIN NG pamahalaan na hindi paghahanda sa anumang giyera ang nilulutong framework agreement para sa US increased rotational presence sa bansa.

Base sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA), malinaw na nakalagay sa Saligang Batas na itinatakwil ng pamahalaan ang giyera bilang national policy.

Ayon dito, bahagi lamang ito ng pagtupad sa katungkulang idepensa ang teritoryo at panatilihing ligtas ang bansa at mga mamamayan.

Nakalagay rin sa DFA statement na walang partikular na bansa, gaya ng China na tina-target ng framework agreement.

Samantala, umaasa ang DFA na hindi maapektuhan ng US agreement ang bilateral relations ng Pilipinas sa Tsina.

“No. Article II of the Philippine Constitution specifically renounces war as an instrument of national policy. It is, however, the expressed duty of the Government to defend what is ours, secure our nation and keep our people safe,” bahagi ng statement. “No. The IRP Framework Agreement prepares us from any and all forces which may bear ill intentions towards us.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.