Founding Member ng ASG, Huli

NASAKOTE NG pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isa sa mga sinasabing founding member ng Abu Sayyaf Group sa Tawi-Tawi.

Kinilala ni CIDG chief, Director Samuel  Pagdilao, Jr. ang nasakote na si Ustadz Ahmadsali Asmad Badron, alyas Ammad, Hamad Ustadz Idris.

Batay sa ulat, alas-8:50 ng umaga noong Sabado nang madakip ito sa Barangay Lamion sa Tawi-tawi.

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa six counts of kidnapping with serious illegal detention.

Si Badron ay isa sa original members ng ASG at pinsan ng isa mga lider na si Nadzme Sabtula alyas “Commander Global”.

Sangkot umano ito sa pagdukot sa mga turista at resort staff sa Sipadan, Malaysia at mga miyembro ng Jehovah’s Witness sa Jolo noong 2000 at 2003.

Sa tala, si Badron ay dating nasa ilalim ng pamamahala ni Abu Sayyaf head Galib Andang alyas “Commander Robot”.

Sinabi ni Senior Superintendent Edgar Cabrera Danao, CIDG Region 9 chief, si Badron ay kabilang sa trusted members ng ASG na nagtatago ng ransom na nakokolekta ng grupo.

Siya rin ay sinasabing Jemaah Islamiah facilitator sa ASG’s foreign members na sina  Maweyah, Qaem, Dulmatin, Palestinian Yusef at sa local members na sina  Ibni Akosta at Tuan Muktar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.