Former That’s Entertainment member Caselyn Francisco, a big star in The Netherlands

ISANG KAIBIGAN ANG nagkuwento sa amin na sobrang sikat daw at itinuturing na Celine Dion ng The Netherlands ang dating miyembro ng Tuesday Group ng That’s Entertainment at naging co-host ni Ms. Connie Angeles sa RPN 9 Penpen De Sarapen na si Caselyn Francisco.

At kahit nga raw Pinay si Caselyn, bihasa ito sa pagsasalita ng lengguwahe sa The Netherlands na talagang inaral nito nang makuha siyang Miss Saigon ilang dekada na ang nakalilipas na plus factor para tuluyan siyang maka-penetrate sa nasabing bansa at makakuha ng maraming proyekto.

Since then, hindi na muling umuwi pa ng Pilipinas si Caselyn at sa The Netherlands na nanirahan at nag-concentrate sa kanyang blooming career dito hanggang maabot niya ang sobra-sobrang kasikatan sa nasabing bansa.

Itinuturing ding Disney Princess si Caselyn sa nasabing bansa sa dami ng Disney songs na kanyang inawit. Blockbuster at hit din ang kanyang mga musical plays katulad ng Jesus Christ Superstar, Crazy Shopping at iba. At maging ang kanyang mga awitin ay hit na hit sa naturang bansa.

 

KATULAD NG NAGING pahayag ni Kuya Germs, walang Nora Aunor na dumating sa bansa kahapon July 21 (Thursday) katulad ng ibinabalita at ipinagpipilitan ng ibang tao na nagpalabas na sakay na ng PAL PR 103 ang nag-iisang Superstar.

Tsika nga ni Kuya Germs, during the time na inaanunsiyo sa ilang TV programs at maging sa mga pahayagan na lulan na si Guy ng PAL, mabilis nitong tinawagan ang isa pang taong malapit kay Guy na si Suzette Ranillo para tawagan si Guy kung totoo nga ang nasabing balita at mismong ang Superstar ang nakausap ni Suzette. Ayon na rin kay Kuya Germs, nasa bahay lamang si Ate Guy at hindi sakay ng eroplano.

Ayon kay Kuya Germs, may ibinigay daw si Ate Guy na araw na darating siya, pero ayaw pa nitong ianunsiyo, mahirap daw kasing masisi na baka if ever na sabihin niya ang date ng pagdating si Guy, tapos ‘di matuloy ay siya naman ang masisi.

Mas gusto raw nitong nakasakay na talaga ng eroplano si Ate Guy at tsaka niya sasabihin sa lahat na totoo na darating na talaga si Ate Guy. Sa ngayon daw ay maghintay ang payo ng Master Showman sa mga loyal supporters ng nag-iisang Superstar kung kailan ba talaga ito darating.

 

NGAYONG SABADO NA ang story conference ng newest afternoon soap ng GMA-7, ang Pahiram Ng Isang Ina, na pagbibidahan ng dalawa sa pinakamaningning na young stars at tambalan sa telebisyon na sina Jake Vargas at Bea Binene o mas kilala bilang JABEA at mula sa mahusay na direksiyon ni Joel Lamangan.

Excited pero kabado na raw si Bea, dahil in 7 years nga naman ng kanyang pamamalagi sa GMA-7, ito na ang kanyang hinihintay na big break, ang pagkakaroon ng solo show na sila ang bida ni Jake at hindi kasama ang kanyang mga co-tweens sa kanilang top rating show na Tween Hearts.

Dito raw ipapakita ni Bea at Jake ang lakas ng kanilang tambalan sa telebisyon at ang kanilang galing sa drama. Pero bukod sa said show, regular ding napapanood ang JABEA sa Tween Hearts, Party Pilipinas at Captain Barbell.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Former That’s Entertainment member Caselyn Francisco, a big star in The Netherlands

  1. OO NGA NMN,BAKIT BIGLANG IKINUMPARA SI KC KAY CASEYLYN?LABO NYO,MAGKAIBA NMN UNG 2 NG STYLE SA CAREER NILA NO,MATANDA NA SI CASEYLYN DUN NYO NA LANG SYA IKUMPARA SA KAIDAD NYA,OK

  2. sana bumisita naman dito sa phil si caselyn para macelebrate namn ng bongga ang kanyang matamis na tagumpay! at si KC, tama nga na iwanannya na dapat ang philippine showbiz!

  3. The news is about caselyn francisco, bakit napasok sa usapan si kc? 

    Let us give due respect to kc. 

  4. korek dahil ang kc puro hype at flop ang resulta ng projects nya baka sa ibang bansa mas me career pa sya dapat sa kanya layasan na ang pinoy showbiz career.

Leave a Reply

Your email address will not be published.