Former TESDA Director Atbp, Kakasuhan ng Ombudsman

DESIDIDO ANG Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal si dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director Augusto “Boboy” Syjuco Jr. at iba pang opisyal kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto ng kagawaran noong 2007.

Base sa 52 pahinang resolusyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, kinakitaan ng probable cause para kasuhan ang mga sumusunod na opisyal ng TESDA bukod kay Syjuco, kasama ring kinasuhan sina Dating Deputy Director General Rogelio Peyuan; Director IV Antonio Del Rosario; Director IV Ernesto Beltran; Director IV Teodoro Sanico;  Regional Director IV Buen Mondejar;  Atty. Marjorie Docdocil; Chief Administrative Officer Juanito Belda; Administrative Officer Maximiano Montemayor; Senior Administrative Assistant I Francisco Fang at  Vicente Roxas, Presidente at Chairman ng V.G. Roxas Company Inc.

Samantala, nag-ugat ang kaso sa reklamo ng Field Investigation Office (FIO) at ng isang Annie Geron dahil umano sa iregularidad sa pondo para sa Ladderized Education Program ng TESDA.

Sinabi ng Ombudsman na mababa ang kalidad ng mga training equipment at testing tools ng V.G. Roxas Company Inc. at nagkaroon pa ng overpricing sa natu-rang proyekto.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.