Former Star Circle Questor DM Sevilla is now a Registered Nurse

MARAMI ANG NAKAPANSIN noon sa guwapong bagets na sumali sa Star Circle Teen Quest noong 2004 mula sa Meycauayan, Bulacan na si Denmark Sevilla o mas nakilala sa pangalang DM Sevilla. Hindi man pinalad na makuha ang pinakatitulo sa nasabing pakontes, masuwerte naman siyang napabilang sa top 5 finalists. Si Erich Gangcayco na naging Erich Gonzales ang ultimate grand questor noon sa kanilang batch.

Maraming mga shows ang nasalihan noon ni DM. At mapalad kaming nakasama rin niya noon sa isang blocktimer show sa dating ABC-5 na T.E.E.N.S., bilang writer. Kabilang sa mga hosts noon sa naturang show sina PJ Valerio, Paw Diaz, Zara Aldana, Princess Ryan at si DM. Hindi kami gaanong close noon ni DM dahil parang may sarili siyang mundo. Noong panahong ‘yun, busy raw siya sa kanyang pag-aaral kaya bibihira na ang kanyang mga proyekto.

Last week, nag-message siya sa aking Facebook account at doon na nagsimula ulit ang aming ugnayan bilang dating magkatrabaho. Kinumusta ko siya at kinongratyuleyt sa bagong show niya sa ABS-CBN.

“Kuyaaaaaaaaaaa……. mishooo tlga… opo extra lang naman hehe… pero okay lang po tiyaga lang… kakagrad ko lang po diba… sana nga po magtuloy tuloy… gusto ko na rin po kasi mag work eh.. sana po umayon ang mga bagay bagay…,” panimula niyang mensahe sa akin.

“Sana support mo pa din ako kahit sa ibang channel ako kuya.. maliit na bagay lang kahit prayers ma-appreciate ko yon.. I know marami ng nagbago. pero ayun.. tiis lang ako.. kaya pa hehe…”

Nag-focus si DM sa pag-aaral niya ng nursing at natapos naman niya ito at ngayo’y registered nurse na siya. “…but now. here i am.. struggling again.. to start.. and naniniwala ako. kung mabuti kang tao. ibibigay sayo ni God. so I’m really blessed. kasi di nya ko pinabayaan.. oo daming sacrifices. pero paid off. when i got my license. I did make it. passed the national board exam.. now NURSE NA KO KUYA, at kahit ano pang sabihin ng ibang tao sakin. My ipagmamalaki na ko. DM SEVILLA, RN. naks!!!! Hugssssssss.”

Nakakatuwa na may mga artistang pinapahalagahan pa rin ang edukasyon, at least puwede nilang i-practice ang kanilang propesyon kung matumal man ang pasok ng mga proyekto sa showbiz. Ipinagmamalaki namin ang mga katulad ni DM na nag-pursiging makamit ang minimithing diploma para sa kanyang kinabukasan at para na rin siguro sa kanyang mga magulang na hangad na ang kanilang mga anak ay makatapos ng pag-aaral.

BLIND ITEM: KINSA Siya? Sino itong produkto ng isang artista search na nitong nakaraang Holy Week lang sa Boracay ay nagpi-feeling sikat daw? Kuwento ng aming source, usap-usapan daw ng mga roomboy at mga hotel staff itong aktres-aktresan na ito na may kasamang boyfriend na two days na raw ayaw lumabas ng hotel.

Rason daw ng girl na ito ay baka daw pag-kaguluhan siya sa labas. “Weeee, ‘di nga? Pagkaguluhan nga ba talaga?” Ang pagtataray pang kuwento nang aming source.

‘Eto na, siguro ay naburyong na itong babaeng ito sa kuwarto kaya lumabas na after 2 days para mamasyal sa magandang lugar ng Boracay. Ang ending hindi siya pinagkaguluhan.

Ayon pa sa aming source, “hindi siya si Kim Chiu o si Bea Alonzo na kukuyugin ng tao, ‘noh!” Pero bawi naman ng aming source, may iilang nagpa-picture naman daw sa aktres-aktresan na itong nagpi-feeling sikat.

“Ay ‘teh ‘yan na lang muna at kakain na ako, baka mapadami ang rice na u-orderin ko, gutom na ako eh,” pagtatapos nang aming source na may katambal pang clue.

PAKISUYO NG KAIBIGAN nating si Francine Prieto… “I will be having a 3-day sale of my p[re-loved stuff on May 5-7, Thursday to Saturday, 11am to 11pm at D Vamps Restobar, Hobbies of Asia, Macapagal Avenue, Pasay City (at the back of Security Bank and Buma. Beside Watercubes ans Musicmatch). I will be selling clothes, home decorations and furnitures, bags and accessories, from P50 to P15,000, all in good quality. See yah…”

Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

3 thoughts on “Former Star Circle Questor DM Sevilla is now a Registered Nurse

  1. rice?..JACKIE RICE!!!!! hahaha…nsa boracay din ako paro halos mga kapamilya stars ang mas kilala dun!pinagkaguluhan pa nga c vina morales and her daughter than SOLENN,LOVI AT MICHELLE MADRIGAL,watz more kay JACKIE RICE na hindi sikat!!!HAHA