Former sexy actor Toffe Calma has web scandal?!

PINAHIRAPAN DAW NI Ara (Mina) ang pagsagot niya sa panliligaw sa kanya ni Boss Vic del Rosario noon pa mang isang taon para nga makabilang na siya sa Viva family, gaya ng kapatid niyang si Cristine Reyes.

At maganda naman ang naging dating nu’n kay Boss Vic. Ayon sa kanya, “Isang magandang attribute niya ‘yung pagiging loyal niya kay Dondon (Monteverde). Kaya natagalan din siya bago mag-desisyon. But now, her birthday pa, finally she’s with us na!”

Wala naman daw ng existing contract si Ara with Dondon. Pero dahil nga 16 years ang pinagsamahan nila bilang talent and ma-nager, hindi rin naman daw naging madali ang pagpapaalam sa kanya. Pero sa isang banda, naisip din naman daw niyang it’s about time na i-reinvent naman niya ang kanyang sarili at subukin din ang iba pang magagawa niyang mas challenging sa TV at sa pelikula.

Ang anak ni Boss Vic na si Veronique ang madalas na makausap ni Ara at ito ang ‘nagluluto’ ngayon ng mga sasalangang proyekto ng aktres. Gusto rin naman daw nila ng Dad niya na maikot ni Ara ang iba pang production outfits, pati na networks, dahil malaki ang tiwala nila sa kakayahan nito. Singer din kaya malamang na ang nasimulan niyang album eh, sa Viva Records din matapos.

“Gusto ko rin kasi na bago naman ako mag-asawa, na pagdating ko naman sa age na 35 ko plano, eh, nagawa ko ang mga gusto ko pang gawin. Hindi ‘yung pagdating ng araw, sasabihin ko sa sarili ko na sana ginawa ko ‘yung ganito o ganyan. I just want to fulfill ‘yung iba pang wishes ko for myself as an actress.”

Kung mabibigyan nga raw siya ng pagkakataon, mala-‘Black Swan’ na tipo ng proyekto ang gusto niya, ‘yung may pagka-dark.

Muntik na naman siyang malagay sa alanganin nang may magtanong sa kanya tungkol sa dinadaanan ngayon ng aktres-politician na si Aiko Melendez.

“Hindi ako nagpaka-sour sa pagsagot ko. Ang sweet ko nga, eh. Kasi, simple lang ang sagot ko, na wala akong kinalaman at nalalaman sa mga nangyayari sa kanya. Hindi ko naman siya nakakausap. Ang sa akin, buhay niya ‘yun, so wala akong dapat na masabi. Ang alam ko lang, she and my sister Cristine will be working on a soap for ABS-CBN. Magsasama sila sa ‘Reputasyon’. So, who knows, maybe in time, kung may maganda ring proyektong maisip for us, malay natin.”

Bago pumirma ng five-year contract with Boss Vic and Veronique si Ara, nakapagsimula na siya sa Utol Kong Hoodlum sa TV5.

NA-TSIKA KO NAMAN si Aiko Melendez noong birthday ng isa sa kanyang best friends na si Candy Pangilinan.

Hindi naman ito nag-dwell sa mga  problemang  dumating  ngayon sa buhay niya, dahil sa nangyayari sa kanila ng ex-boyfriend niya. Pero hindi maiwasang tawagin siyang ‘persona non grata’ ng mga ka-tsika at kaibigan niya sa nasabing party. Dahil ‘yun ang latest na nalaman tungkol sa mga kasuhan sa pagitan nila ng nasabing ex niya.

Nilinaw na lang ni Aiko na hindi na nga siya matutuloy sa proyektong pagsasamahan sana nila uli ni Jomari Yllana, na isa rin niyang ex, sa Atom. Kinausap naman daw siya sa ABS-CBN at iprinisinta sa kanya    ang    isang    mas     cha-

llenging na role nga sa Reputasyon. Nabanggit niya na this week eh, salang na nga siya sa taping ng nasabing soap.

Kaya, hindi naman daw dahil sa weight niya kaya siya inalis sa Atom.

NADAANAN NG ISANG kakilala ang isang website – www.gayforit.com.

Nagulat ito nang tumambad sa kanya ang The Toffee Calma Web Scandal. Watch naman kami. Aba! Kamukha nga!

Nu’ng una, parang kamukha lang. Pero nu’ng nagtanggal ng shades, eh, para nga silang pinagbiyak na bunga.

Ang palatandaan lang, ‘yung lalaking nakikita naming gumigiling-giling na tila kumakanta-kanta pa ng hubad eh, may tattoo sa malapit sa kanyang singit. Kung siya man ‘yun, it looks like he’s truly enjoying what he’s doing para sa mga manonood sa kanya!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Former sexy actor Toffe Calma has web scandal?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.