Former Bold Star, Allen Dizon, now a producer

MARAMING PERA SI Allen Dizon, huh!

Magkasunod ang pinatawag na pocket interview ni Allen para sa dalawang projects niya sa kanyang ATD Entertainment. Una, para sa story conference ng pangatlo niyang pelikula na Dukot (Desaparacidos) in partnership with CDP Events and Entertainment Productions. Mula sa panulat ng Palanca winner Bonifacio Ilagan and directed by Joel Lamangan, magbibida rito sina Allen kasama sina Iza Calzado,  Gina Alajar, Robert Arevalo, Emilio Garcia, Felix Roco, Jr. at Snooky Serna.

Kinabukasan naman, pictorial ng second movie ng ATD, ang Marino at malalaki rin ang cast. Makakasama ni Allen dito sina Ara Mina, Emilio Garcia, Krista Ranillo, Bangs Garcia, Marco Alcaraz, Victor Basa, Rico Barrera at Mike Tan. July pa ito ipalalabas pero makakapagsimula na nga siya ng third movie niya. So, noong nasabihan siya na parang ang haba-haba ng pisi niya, isa lang ang nasagot niya. Pagkatapos kasi ng kanyang first feature na box office at critically-acclaimed Paupahan, sinipag na siyang mag-produce.

At least siya, gawa pa rin ng gawa ng pelikula. Ang ibang mas malaki sa kanya, nagpahinga na.

Merese
by Dinno Erece

loading...

One thought on “Former Bold Star, Allen Dizon, now a producer

Leave a Reply

Your email address will not be published.