Formal Charges Para sa Grupo ni Kiram, Wala pa

MALIBAN SA trabaho ng Public Attorney’s Office, tiniyak din ng Department of Foreign Affairs na gumagawa pa ng hakbang ang pamahalaan para mabigyan ng legal assistance ang mga kababayang naka-kulong sa Sabah, kaugnay sa standoff issue.

Ayon kay DFA spokesperon Raul Hernandez, kahit wala ang apela ng Pamilya Kiram para sa kanilang mga tauhan, kusa umanong nakiki-pag-ugnayan ang DFA sa Malaysian government para mapayagan ang mga consular officials na madalaw ang mga naka-detineng kababayan.

Samantala, sinabi ni Asec. Hernandez na hinihintay pa ng DFA ang formal charges na isasampa ng Malaysian authorities sa mga salarin para sa anumang legal support.

Sa ngayon, taliwas sa pahayag ng mga Malaysian officials, nilinaw rin ni Hernandez na nakikipag-ugnayan na ang DFA sa kanilang Malaysian counterparts para maiuwi sa bansa ang labi ng mga napatay na Filipino-Muslims sa Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.