‘FOREVER BABY’ SI WINWYN: Joey Marquez, kaswal kay Mark Herras

Winwyn and Joey Marquez

ALIW KAMI sa tsikahan with Tsong Joey Marquez nang tanungin kung kumusta ang relasyon nila ni Mark Herras na boyfie ng anak niya na si Winwyn:

“Very civil kami,” tugon niya.

“Wala akong against sa kanya,” sabi pa niya ng diretsahan.

Dagdag pa niya tungkol sa boyfie ng anak: “Ang iniisip ko lang, kailangan, para makapasok ka sa isang seryosong relasyon, secure kayo pareho. Kasi, hindi puwedeng puro pag-ibig lang. Iyang pag-ibig, natutunaw iyan pag wala nang pagkain sa lamesa, e.

Joey Marquez

“Ibang usapan na pag walang pagkain, walang pambayad ng electricity,” pahayag pa niya.

Pero para kayTsong Joey, baby pa rin ang tingin niya sa anak.

“Hangga’t maaari she will remain my baby pero hindi naman pu-pwede,” sabi nito sa amin.

Pagkukuwento pa ng actor-comedian, ang iba niyang mga anak sa ibang girls ay mga binata’t dalaga na at mga propesyonal na sa kanilang mga chosen careers.

Sa ngayon, Joey is happy with his current partner na isang flight stewardess.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.