Foreman, Pinatay Habang Lumalaklak ng Alak

HINDI INAKALA ng isang foreman na huling tagay na pala nito makaraang barilin habang nakikipag-inuman sa mga tauhan sa ginagawang pabahay kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Ariston Diego, 35, stay-in sa Pabahay Project sa Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na na-kilala lang sa alyas na Baloy ng Tangos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:35 ng gabi, nakikipag-inuman sa mga tauhan ang biktima sa Housing Project sa Sampaguita St., Tanza ng lungsod nang dumating ang suspek.

Nang matukoy ang pakay ay agad na nilapitan ng suspek ang biktima at walang salitang pinaputukan bago tumakas.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.