Foreign Observers, Pinulong ng Comelec Kaugnay ng Eleksyon

PINULONG NG Commission on Elections (Comelec) ang mga foreign observer mula sa Russia, Cambodia at South Korea kaugnay ng eleksyon ngayong araw.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na layunin nitong tiyakin sa mga dayuhan na handa na ang komisyon sa ikalawang nationwide automated elections at magiging maayos ang halalan.

Siniguro rin ni Brillantes sa 12 foreign observers na walang dapat ikabahala sa mga gagamiting precinct count optical scan (PCOS) machines, dahil nasolusyunan na ang lahat ng isyu kaugnay nito.

Ipinaliwanag din ng Comelec sa mga dayuhan kung paano gumagana ang mga makina. Nagkaroon din sila ng pagkakataong makaboto sa pamamagitan nito.

Nabatid na kumukuha rin ng impormasyon ang mga foreign observer, dahil partial o sa piling lugar pa lamang sa kanilang bansa isinasagawa ang automated elections.

Ngayong araw, mag-oobserba ang mga dayuhan sa Araullo Elementary School sa Maynila at sa iba pang eskwelahan na madadaanan patungong Tagaytay kung saan naman sila mag-oobserba ng canvassing.

Samantala, tutungo rin ang foreign observers sa national canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.