Foreign Media, Pinayagan Nang Makapasok sa Lahad Datu

PINAYAGAN NA ng Malaysia ang mga foreign news agencies na makapasok ang media center sa Felda Sahabat, Lahad Datu sa Sabah at i-report ang mga pinakahuling kaganapan doon.

Ayon kay Malaysian Defense Minister Datuk Seri Dr. Ahmad Zahid Hamidi, sa report ng Malaysian online newspaper na The Star, na eeskortehan ng armed forces at pulisya ang mga kawani ng media sa operations area.

Sa pagtungo sa naturang lugar, maibibigay aniya ng mga ito ang “real picture” sa krisis sa gitna na rin ng mga alegasyon ng pang-aabuso sa mga bihag at sa mga miyembro ng Sulu Royal Army.

Samantala, sa pinakahuling ulat, inihayag ni Ahmad Zahid na nauubusan na ng pagkain ang grupo ng ‘intruders’ at nasa desperadong sitwasyon na ang mga ito. Humantong na umano ito sa pagnanakaw ng pagkain sa mga tindahan doon.

Kasabay aniya ng pakikipagtulungan ng Pilipinas ukol sa 35 na hawak nito matapos maharang ng Philippine Coast Guard (PCG), sinabi ni Ahmad Zahid na ipararating din ng Malaysia ang mga detalye sa mga hawak nito at sa grupo ng intruders matapos ang 28 araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.