For the nth time: Nora Aunor’s homecoming is postponed!

MUKHANG MALULUNGKOT NA naman ang mga masugid na tagahanga ng nag-iisang Superstar  na si Nora Aunor na darating ito ngayong linggo, dahil ang unang planong uuwi ito ng July 21 (Thursday) ay hindi na matutuloy.

Dahil ayon mismo kay Kuya German Moreno, malabo raw na makauwi si Ate Guy dahil nag-text ito sa kanyang malapit na kaibi-gan na si Albert na hindi  siya  makararating ng July 21, bagkus ay first week na ng August ang muli nitong pangakong makababalik siya ng bansa. Ayon pa rin kay Kuya Germs, wala pang assurance kung uuwi nga ito, knowing Ate Guy raw na bigla-bigla na lang nag-iiba ng desisyon.

Text daw kasi ni Guy na may natanguan siyang unang event sa Amerika, kung saan matagal nang namamalagi si Ate Guy at ito ay ang Historic Filipino Town Event na magaganap sa August 8. Tsika nga ni Kuya Germs, ‘wag kasi nating pangunahan si Ate Guy at ianunsiyo sa lahat na uuwi na siya. Mas maganda raw kasing hintayin na lang siyang nasa Pilipinas na at nakikita nang harap-harapan bago ikalat sa lahat na ‘Nora Aunor is already back in The Philippines’. Kung kailan daw ‘yun, ito ang hindi masasa-got ni Kuya Germs.

 

HOW TRUE NA nagtatampo raw si SexBomb Sunshine Garcia sa kanyang grupo (SexBomb Girls) at sa kanilang choreographer na si Paulo Infante dahil tinanggal ito sa kanilang show sa Thunder Birds Resort sa La Union. Kaya naman ang ending, hindi sumasama si SexBomb Sunshine ngayon sa mga shows at guestings ng SB.

May mga alingawngaw nga na baka raw iwan na ni Sunshine ang kanyang grupo at sundan na nito ang mga naunang SexBomb na umalis na tulad nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, atbp.

Ang siste raw kasi ng pagkakatsugi sa show ni Sunshine ay hindi ito nakapag-rehearse ng kanilang production number para sa nasabing show, dahil nagti-taping ito ng kanyang regular show sa ABS-CBN, ang Banana Split, kaya naman tinanggal na lang ito sa production number ng kanilang choreographer na ikinasama ng loob ni Sunshine dahil gusto talaga niyang makasama sa Thunder Bird   Resort,  kung  saan   naging matagumpay ang show ng SB.

Tsika nga ng malapit sa SexBomb Girls na kapag sa mga susunod pang shows ng SB ay hindi na napagkikita si Sunshine, hindi pa humahapo ang sama ng loob nito sa kapwa SB Girls at mukhang malabo na nga itong bumalik pa sa grupo at pinanindigan na ang pagso-solo na lang ,lalo na’t may regular show itong Banana Split.

 

DALAWANG INTERNATIONAL TALENTS ang nakatakdang dumating sa bansa na parehong Pinay, ito ay ang Pinay YouTube Sensation na si Maria Aragon na darating ngayong July, at ang Vancouver’s Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad na magpo-promote ng kanyang album under Ecclesiastes Entertainment na darating nga-yong August 10.

Kasamang uuwi ni Maria ang kanyang pamilya, samantalang kasama naman ni Ethel ang kanyang mother na si Mrs. Lani Amistad at ang CEO/President ng Ecclesiastes Entertainment na si Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura at ang ina nitong si Mrs. Vilma Omosura.

Nakatakdang libutin ni Ethel Rose ang iba’t ibang TV, radio at mall shows sa bansa para i-promote ang kanyang album na “A Life Story, Ethel Rose Amistad”, kung saan ang kanyang carrier single ay ang hit song na “In Your Blue Eyes”.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

13 thoughts on “For the nth time: Nora Aunor’s homecoming is postponed!

  1. hayaan na kasi na si ate gut mismo ang mag-announce ng kanyang ‘pagbabalik”..masyado kasi siyang pinangungunhan ehhh..yan tuloy nadi-disappoint pag hindi natuloy…

  2. BUTI PA ANG BAGYO, DUMARATING.. SI DAVID ARCHULETA NGA AT SI KOBE BRYANT, DIBA.. PERO ITO.. TSK TSK.. HOPELESS CASE.. =(

  3. sunshine who?> eh di umalis sya… feeling sikat naman at impt yang babae na yan… andaming gustong maging dancer ng sex bomb, di ko gets bakit may article pa

  4. kung makapagsalita naman ng panghuhusga ang mga kupal na mga ito akala mo alam nila ang buhay ng ibang tao! baka nga mas mabantot pa buhay ninyo kesa sa kanya ano! hindi ako fan ni nora, promise!! maka espreranza fabon ako!! ha-ha…!

  5. sabihin nyo kc kay nora na meron tambak na drugs sa titirhan nyang bahay sa Pinas. sigurado uwi agad yan.

  6. bka nmn kasi coccaine na tinitira nyan ayaw nya na ng shabu kya ayaw nya na bumalik sa pinas…hahaha

  7. ANG GUSTO YATA AY IBALIK YUNG SHOW NIYA NA “NORA AND EDDIE” DAHIL MADALAS SABOG SI GUY AKALA NIYA AY BUHAY PA SI EDDIE PEREGRINA HAHAHAHA

  8. ANO BA KASI ANG PROBLEMA NIYA. ANG MGA PROMOTERS DIYAN SI PHILIPPINES, SIGURO, PARA MAKA SIGURADO, SUNDUIN NA LANG SIYA. BAKA WALANG PERANG PAMASAHE. BIGYAN SIYA NG ADVANCE PAY. TULUNGAN NA LA NG SIYA NI BOY ABUNDA. TUMATANDA NA SI NORA. KAILANGAN MATUPAD NAMAN ANG MGA PANGAKO NIYA BAGO TULUYANG MAWALA SA LIMELIGHT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.