FOR SUSPENSE THRILLER LOVERS: ‘Cry No Fear’ ni Richard Somes, panalo sa takutan

Donnalyn Bartolome, Ella Cruz and Richard Somes

CAME from Viva Films’ premiere night (Monday, June 18) for Direk Richard Somes’ movie ‘Cry No Fear’ starring Ella Cruz and Donnalyn Bartolome held at SM Megamall C7. As expected, basta pelikula ni Direk Richard ay hindi ka mabibitin pagdating sa suspense at tensyon hanggang sa last scene ng pelikula.

Noong pumasok kami sa loob ng sinehan, puro tili at sigawan ang naririnig namin na reaksyon mula sa mga manonood ng pelikula. 

Sa totoo lang, hindi mo pagdududahan kung maganda or super suspense ang pelikula ng isang Direk Richard Somes.

Trademark kasi ni Direk ang genre na suspense triller at horror na kapag siya na ang nasa likod ng kamera para i-direk ang mga eksena ng kanyang pelikula at mga artista, asahan mo na hindi ka mabibitin.

At the preem, we’ve talked to the two leading women of the film na sina Ella Cruz and Donnalyn Bartolome.

Say ni Ella: ”Hindi po ako nagsisi kahit ang dami kong galos at pasa sa mga scenes ko sa movie ni Direk Richard. Iba siya magdirek when it comes to to suspense-thrillers. Kahit sa last few minutes ng movie, aabangan mo dahil hindi mo alam kung ano pa ang mangyayari,” kuwento ng dalaga kung saan ang rumored “boyfie” niya na si Julian Trono ay andun sa preem to support her.

“Like sa case ko, I didn’t expect na magagawa ko ang mga scene namin ni Ella. It’s not me na very petite and akala mo fragile pero I survived,” kuwento ni Donnalyn after watching the film.

Sa mahihilig sa mga suspense-thriller movies, itong Cry No Fear ang bagay sa inyo na showing na simula bukas, Wednesday, June 20.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “FOR SUSPENSE THRILLER LOVERS: ‘Cry No Fear’ ni Richard Somes, panalo sa takutan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.