FOR A CHANGE: Kim Chiu, napapayag sa tatlong love scenes sa ‘One Great Love’

Kim Chiu with JC de Vera and Dennis Trillo

OUT OF THE BOX ang tawag ng media sa bagong role ni Kim Chiu sa pelikulang One Great Love na official MMFF 2018 entry ng Regal Films sa darating na December.

Hindi kasi pangkaraniwan ang role ni Kim sa istoryang sinulat ni Gina Marissa Tagasa na nasa direksyon naman ni Enrico Quizon na mas kilala bilang ang aktor na si Eric Quizon.

Very daring role kasi ang ginagampanan na role ni Kim kung saan malamang sa hindi ay maninibago ang mga followers niya sa mga eksena niya sa pelikula.
            

Sa mga previous roles ni Kim sa kanyang mga teleserye sa telebisyon or pelikula, asahan mo na babaeng in love na tipikal pinay si Kim na medyo conservative sa kanyang karakter, lalo na sa usaping love scenes niya sa pelikula.

For the first time, sinubukan ni Kim na maging iba sa mga previous niyang mga roles.

For the first time, she goes daring sa mga love scenes niya with Dennis Trillo and JC de Vera na never pa niya nagawa with any of her leading men or with Xian Lim (her boyfie) for that matter.

Kim Chiu

“Pero I’m thankful, inalalayan nila (Dennis at JC) ako sa mga eksena ko.

Kuwento nga ni Direk Eric sa amin, tatlo ang maiinit na love scenes ang ipinamalas ng  dalaga sa pelikula.

One with Dennis and dalawa with JC na both actors ay napaka-gentle sa isang first timer tulad ni Kim na “hot” ang mga bed scenes.

Kim plays the role of Zyra Paez na great love ni Carl Mauricio played by JC na isang pilot. At si Dennis naman who plays Ian Arczano, a medical doctor is Kim’s dependable friend na maiinlove sa kanya.

Isang kakaibang ove story ang obra ni Direk Eric dahil ipinakita niya ang iba’t iba’t level ng pagmamahal na in the end ay malalaman natin kung sino ang “One Great Love“ ni Kim.

Dennis Trillo, Kim Chiu and JC de Vera

Mainit man ang mga love scenes ni Kim sa dalawa niyang leading men sa first “matured” role niya ay hindi naman daw ito babad sa kamera.

Sa mga nagtatanong kung ano ang aasahan nila na klase ng love scenes ni Kim sa pelikula ay una na ang nasa sa harap ng fire place with Dennis at ang dalawa with JC sa bathtub at sa kama.

“First time ko ang ganun. Hindi ko alam kung papaano gagawin sa loob ng bathtub na napakaliit “natatawang kuwento ng dalaga.

Sabi ni Direk Eric, may ungos ang acting ni Kim sa pelikula na pwede lumaban for best actress. Abangan.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “FOR A CHANGE: Kim Chiu, napapayag sa tatlong love scenes sa ‘One Great Love’

  1. Maraming basher si Kim but they don’t know that she is genuinely nice and one of those few artists who are just easy to work with. From the movie trailer of this movie, mukhang maganda ang storyline at ang lakas ng chemistry ni Kim at Dennis. I wish for this movie to be a big success.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.