FOR 2019, ALDUB IS OUT AND ARDUB IS IN!

Arjo Atayde and Maine Mendoza

MADAMI pa rin pala ang umaasa na magkakabalikan ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa kabila ng pagsisiwalat ng dalaga na screen partners lang sila ni Alden, madami pa rin sa mga AlDub fans na ang love team nila on screen ay maitawid sa katotohanan gayon malinaw pa sa sikat ng araw na “waley” at hindi ayon ang dalaga na ang screen partner niya ay maging makakatotohan.

Ilang beses na naisulat ang tungkol sa “Bagong Love” ni Maine sa katauhan ng aktor na si Arjo Atayde na wala naman protesta sa mga solid na fans ng dalaga kung sakali man si Arjo ang magustuhang tunay ni Maine.

In short, AlDub is out and for the  New Year 2019, ArMaine in.

Ilang pagkakataon na nakikita sina Arjo at Maine na magkasama sa mga retaurants, bars at concerts na maging sa birthday ni Arjo ay kasa-kasama niya si Maine sa Bali, Indonesia but as of this writing ay walang pag-amin ang dalawa.

ArMaine (Arjo-Maine) sightings

Both are enjoying each other’s company, yan ang mahalaga.

Kaloka ka ang mga AlDub fans, kung anu-ano ang atake nila kay Arjo just to crash the friendship of Arjo and Maine.

Ang mga AlDub fans, umaasa pa rin kasi na sa kabila ng pagbibigay tuldok ni Maine sa sinasabing relasyon nila ng showbiz partner niya na si Alden ay umaasa pa rin sila na magkabalikan ang dalawa.

Sa ganang akin, gusto man nila ipagpatuloy ang AlDub partnership on screen (telebisyon at pelikula), ay okey lang naman kung susuporta sila para magkaroon ng project ang dalawa but in reality ay deadma naman sila. Puro lang pakikipagaway sa social media kapag may pumupuna sa AlDub at kuda lang ng kuda.

Waley na ang AlDub at never yun maisakakatuparan pa muli.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.